Kabanata 13
PatheticNakapagpalit na ako ng uniporme at tumungo na kusina kung saan nandoon lahat ng crew at si Sir London.
"Today, hindi muna tayo tatanggap ng customers. Our restaurant is reserved for a special event of someone. This is rare, but the offer is good," anunsyo ni Sir London sa aming lahat.
"Wow! That's a great news, Sir. Ilang months na tayong hindi nakakatanggap ng reservation," masiglang sabi ni Chef Von habang nakasandal sa kitchen sink at nakahalukipkip. Katabi niya si Drista na may hawak na mug ng kape.
"Anu-ano ba yung mangyayari, Sir?" tanong ni Taron sa kaniya.
"Alas onse ng tanghali pupunta ang mga bisita dito, so we only have four hours left to prepare everything. Mag-iiba ang ating mga gawain kumpara sa mga nakasanayan nating routines. Isa na rito ang pagkakaroon ng decorations," paalala ni Sir London at nakita kong mabilis na kumawala si Drista sa paghigop ng kape upang magsalita.
"Nakaka-excite naman! Hindi naman tayo nagdedecorate sa kahit anong okasyon, 'di ba? Bakit ngayon lang natin ito gagawin, Sir?" tanong ni Drista.
"Well, I forgot to mention that this occasion is for a kid's birthday party."
Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Sir London.
What? Kid's party sa isang Italian Restaurant? That's odd.
I wonder, what kind of decorations ang kailangan naming paghandaan? Kailangan pa ba ng balloons? I think that would ruin the classy ambiance of the place. Sa tingin ko, kahit anong gawin naming style, hindi babagay dahil hindi talaga akma ang tema ng okasyong ito. Depende nalang kung naka-isip talaga si Sir London ng paraan rito.
Bakit naman nag-agree si Sir London dito? Sa seryoso niyang aura at personality, imposibleng magkaroon siya ng interes na panuorin ang mga bata na nagsasaya sa restaurant niya. Siguro, dahil malaking payment ang in-offer sa kaniya kaya nakumbinsi si Sir London para gawin namin ito.
"Sir," tawag ni Taron sa kaniya at napatingin ito. "Ano po ba ang dapat naming gawin? We never had something like this before. Please, enlighten us."
"Of course, I will. Just listen to my instructions. All of you, come closer," ani Sir London at sumenyas siya na lumapit kami. Ginawa naman namin ito.
Pinakinggan namin ang bawat task na binigay sa amin ni Sir London. Pagkatapos niyang sabihin lahat at nagsimula na kaming kumilos.
Sumama ako kay Kuya Viktor patungong storage room. Nandito ang tatlong kahon ng decorations na ayon kay Sir London ay kabibili lang niya. Sobrang laki nito at sa tingin ko ay lagpas na sa baywang ko ang laki nito. Hindi ako sigurado kung kakayanin ko ang mga ito.
Sinubukan kong buhatin ang isa ngunit hindi ko ito kinaya. Dumaan sa akin si Kuya Viktor nung palabas na siya, makikita sa kaniyang mata na gusto niya akong tulungan ngunit may taban din siyang mabigat na bagay, na sa tingin ko ay harina.
"Hintayin mo 'ko, Sef. Tutulungan kita diyan. Idadala ko lang 'to kay Chef Von," narinig kong sabi ni Kuya Viktor bago niya ako iwan sa storage room.
Huminga ako ng malalim at sinubukan kong buhatin ang kahon, ngunit hindi ko pa rin magawa. Inulit ko, hanggang sa nabuhat ko ito ngunit nung nagsimula akong maglakad ay gumewang-gewang ako.
Alam kong babagsak ako, kahit anong oras, ngunit naramdaman kong may ibang tao ang humawak sa kahon at napigilan ako sa pagbagsak o pagbitaw dito.
Nasa ilong ko na ang itaas ng kahon, at natanaw ko si Sir London sa aking harapan. Ang kaniyang malapad na mga kamay ay nakahawak kung saan banda ang aking kamay.
BINABASA MO ANG
Temptations With My Home Partner [BxB, SPG]
RomanceYoseff Gerald Alba and his schoolmate, Aidan James Barameda, share the coziest little house. Fate delivered them to intersect their paths and they have no choice but to stay under the same roof for good. Being almost the polar opposites of each othe...