Kabanata 21
Exposed"Nababasa mo ba talaga ng malinaw?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Drista habang nakatingin ako sa malaking screen kung saan nakasulat ang mga order.
"Oo naman. Malinaw naman yung mata ko," sagot ko sa kaniya.
"Really? I thought malabo yung mata mo kaya ka nagsasalamin. Where's your glasses, anyway? Anong purpose no'n, mema lang?" mapanlokong tanong ni Drista sa'kin. Napabuntong hininga ako.
"My eyes are just sensitive so may tsansang lumabo yung mata ko once na na-expose ng matindi sa radiation. Kung mema lang 'yon, matagal ko na sanang itinigil yung pagsusuot. Nagkataon lang na nabasag kaya hindi ko na nagamit," sabi ko sa kaniya.
"Arte mo naman."
I hissed.
"Maingat lang ako sa aking katawan. What did you think about the purpose of it though?"
"Well, I just thought that nerdy fashion became trending today. Bigla ko tuloy nagustuhang bumili ng salamin, makikiuso lang sana," she said and snickered. "But tell me what's written on the screen, kung nagsasabi ka nga ng totoo."
Oh hell, why would I even lie for a piece of shitty detail?
"Three servings of Brioche, two cups of cappuccino and one caramel machiatto," I answered her directly. Napangiti naman siya.
"Okay, Mr. Feeling Nerd," aniya ng nakangiti at lumayo na sa akin. Napailing nalang ako. Finally, this meaningless fight came to an end.
Lumapit ako kay Lemuel, yung barista namin, upang ipaalam yung order na kape ng customer.
"Dalawang cup ng cappuccino at isang cup ng caramel machiatto?" tanong niya, pag-uulit sa sinabi ko upang klaruhin ang kaniyang pagkakaintindi.
"Yup," sagot ko naman.
"Thanks," aniya at sinimulang magtimpla.
Hindi ko alam kung ganito ba talaga yung trabaho ko bilang assistant chef. Ang akala ko ay tutulong ako kay Chef Von sa pagluluto, pero wala naman akong ibang ginawa kun'di ang ipaalam sa kanila ang mga orders ng customers.
Napakamot ako sa ulo habang papalapit kina Sir Von na nagluluto, katuwang si Drista na naghihiwa ng mga ingredients.
"Is there anything that I could help you?" tanong ko sa kanila. Sabay silang umiling.
"Kami na ang bahala rito, Sef. I will call you whenever we need some extra force. Just wait for my instructions, okay?" Sir Von said to me and smiled. I forcedly smiled back.
"Okay," iyon nalang ang tangi kong naging sagot.
Bigo akong lumayo sa kanila.
I thought, this is going to be one hell out of a stressful day. But it turns out, I didn't do anything because I'm not very handy here in the kitchen. Alam nila 'yon kaya naman hindi nila ako pinapasubukang pagalawin ng mga pagkain at utensils. Mas nakaka-frustrate pa 'yon kaysa maging stressed pa ako sa trabaho dito sa kusina.
Nakatayo lang ako at walang ginagawa, hanggang sa biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Sir London.
"Sir, you need anything?" tanong ni Taron na kasalukuyang naghuhugas ng mga pinggan. Since, hindi naman kasi masyadong busy dito sa loob ng kusina, somehow, may time pa ang mga assistant chef na makapaghugas ng plato, kaya hindi na sila nag-hire pa ng dishwasher.
"Nothing. I just changed the way of processing the orders. Hindi na ako magbabantay sa labas upang i-announce na may o-order. Aidan will be at the dining are to take note their orders while Bren will deliver the food to them. I guess, sa ganitong paraan, hindi ko na kailangan pang tumambay sa counter," paliwanag ni Sir London.
BINABASA MO ANG
Temptations With My Home Partner [BxB, SPG]
RomansaYoseff Gerald Alba and his schoolmate, Aidan James Barameda, share the coziest little house. Fate delivered them to intersect their paths and they have no choice but to stay under the same roof for good. Being almost the polar opposites of each othe...