Kabanata 25

3.9K 144 17
                                    

Kabanata 25
Left Without A Word

It is a curse to watch the game without knowing a single thing about what's happening.

Nais kong mag-enjoy sa aking pinapanood ngunit nahihirapan talaga akong aliwin ang aking sarili. Ang tanging nagpapagising nalang sa'kin ay ang sigaw ng mga tao. Kung sakaling tahimik ang paligid ay malamang, natulog na ako.

Isa pa, I am very surprised to see Sir London to be here. Yup, natatandaan ko na college student pa pala siya, and since hindi ko siya nakikita around sa campus namin, I assumed that he is studying in one of the other nearby universities.

I have no idea that he's into sports-- no, wait! With his large body frame and all chunky muscles bulging through his semi-tight working uniform, it is very evident that he's into sports. To be honest, his body built is my ideal type for a boyfriend.

"Three points for Barameda."

As I heard his name, napatayo ako at humiyaw. Hindi na ako nahihiya sapagkat marami akong kasabay sa pagsuporta sa kanila.

I can't even hear my own voice. It sounds like a whisper in a sea of voices.

It was a moment full of enthusiasm, then there was a strong vibration in my pockets. My phone is alarming me about something. Mabilis ko itong kinuha mula sa aking bulsa.

I checked my phone at nakita na tumatawag sa'kin si Mama.

Gods, with all these loud noises, pretty sure I won't able to hear a single sound from the other line. I need to go somewhere else.

"Lei, pwede bang pabantay ng seat ko?"

"Bakit?"

"Tumatawag si Mama. I need to answer this call. Masyadong maingay dito kaya aalis lang muna ako," paliwanag ko.

"Sure. Go ahead. Ako nang bahala dito," she said then nodded.

Bago ako umalis, hinanap ko muna sina Aidan at Sir London sa gitna ng game. Nakita ko na hawak ni Aidan ang bola, samantalang hinaharang naman siya ni Sir. Medyo tumahimik ang madla dahil sobra silang nakapokus habang inaabangan ang susunod na kaganapan.

Well, for me, kahit sino man sa kanila ang manalo, okay lang. I'm already very happy to see Aidan participating in school events. I'm sure, it will give him a sense of achievement, win or lose, which is great.

Lumayo ako ng lumayo hanggang sa mahina na lamang sa aking pandinig ang mga sigaw sa gymnasium. Hindi ko naabutan ang pagtawag ni Mama kaya hinintay ko pa ang kasunod niyang tawag bago ko ito sinagot.

"Hello, Ma? Anong meron?" tanong ko sa kabilang linya.

"Y-Yoseff?"

"Ma, bakit po?" tanong ulit.

Medyo kinabahan ako sa tono ng pagtawag ni Mama sa aking pangalan. Para bang may masama siyang ibabalita.

"A-anak. Yung Papa mo..." aniya. Naputol ang kaniyang sasabihin.

"Ano pong meron kay Papa?"

"Ano k-kasi..." putol nanaman na saad ni Mama.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"Nasa school ka ba, anak?"

"Opo. May pasok po kami ngayon," sagot ko naman.

It took a long silence before she spoke again.

"S-Sige... Mabuti naman. Ingat ka diyan," aniya bilang pamamaalam. Napahilot ako sa aking sentido habang hinuhulaan kung ano ba talaga ang nais na sabihin sa'kin ni Mama.

Temptations With My Home Partner [BxB, SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon