Kabanata 27
DenseAfter my last argument with Aidan, days went mundane. Dumating na rin ang weekends at may pasok na ako ngayon sa Cibo di Archinto. I actually don't feel great today because of stress na naipon ko mula sa school, ngunit nangangamba ako na baka kaltasan ni Sir London ang sweldo ko. Dahil sa kagustuhan kong mabayaran kaagad si Aidan, pumasok pa rin ako kahit gusto ko na ng pahinga.
Maaga akong pumasok kasama si Aidan at naabutan pa namin si Sir London sa loob ng restaurant, nag-iisa. Nakaupo siya sa counter habang nag-aabang ng customer.
Pagkapasok na pagkapasok namin ng pinto ay agad siyang napatingin sa direksyon namin. Nakita ko ang mga bakas ng naghihilom na pasa sa kaniyang mukha. Maaaring yun ang naging resulta ng fist fight nila ni Aidan. He smiled at me. I smiled back. Naglaho ang ngiting iyon noong napabaling siya ng tingin kay Aidan.
Dahan-dahan kaming naglakad papasok. I wish they would set aside their wrath with each other and work peacefully. I don't want to witness a chaos between them.
"I can't believe you came early," he said to me. I don't know if that's a compliment or an insult since I'm always late at work.
"Inagahan ko na po talaga yung gising ko para di na po kami ma-late ni Aidan," paliwanag ko.
"Well... That's great," he said joyfully. He seems like in a good mood, today.
Tumungo ako sa employee's room upang magpalit ng uniform. Aidan is already in his uniform dahil dinala niya ito sa bahay. Naiwan ko kasi yung sa'kin sa locker kaya hindi ko ito nasuot sa bahay. Mabuti nalang at may isa pa akong uniform na nakatabi doon, kun'di gagamitin ko pa yung luma kong hindi pa nalalabhan. Iuuwi ko na talaga 'to mamaya para malabhan ko na pareho.
Lumabas ako ng employee's room upang puntahan si Sir London sa counter. Wala naman akong balak na kausapin siya, nais ko lang siyang samahan doon sapagkat kami palang tatlo ang tao sa restaurant.
Isa pa, gusto kong bigyan sila ni Aidan ng pagkakataon na mag-usap tungkol sa pinag-awayan nila. Nais kong pagandahin pa lalo ang mood ni Sir London para hindi siya magalit kay Aidan mamaya.
Alam kong nagtatago si Aidan ngayon. I don't know where he certainly is right now, but I think he's just inside the resto. Ayaw niya lang na magpakita kay Sir sa counter area.
Umupo ako sa counter stool at tumulala sa paligid.
"Lemuel's not here yet, 'no?" he said.
Lumingon ako sa kaniya.
"Opo, Sir. Tayo palang yung nandito," sabi ko.
Obviously.
"Gusto ko sanang magpatimpla ng kape sa kaniya," aniya. He yawned right after.
"Anong klaseng kape po ba yung gusto niyo?" tanong ko. Naisip ko, baka madali lang yung kape na ipapatimpla niya. Baka hindi na kailangan ng magaling na barista tulad ni Lemuel.
"Black coffee with no sugar," aniya.
It is very simple to make, yet it has a very bold taste. Ito yung pinakamadaling iproseso sa coffee machine.
"Ako na po ang gagawa," sabi ko at dumiretso sa kusina.
Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko doon si Aidan na nakasandal sa pader habang nakahalukipkip. He turned his eyes to me with boredom. Hindi ko na lang siya pinansin.
Lumapit ako sa area kung saan binibrew ang kape. Napanood ko na si Lemuel dati pa kung paano nagtimpla ng kape gamit ang mga machines na nandito sa kusina, kaya alam ko na ang mga gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Temptations With My Home Partner [BxB, SPG]
RomanceYoseff Gerald Alba and his schoolmate, Aidan James Barameda, share the coziest little house. Fate delivered them to intersect their paths and they have no choice but to stay under the same roof for good. Being almost the polar opposites of each othe...