Itinakip ko ang aking isang kamay sa aking bibig at humikab. Nag-inat pa ako at napatingin sa paligid ng library. Wala pang masyadong tao dito. Sabagay, alas otso pa naman kasi. Ang dagsaan ng tao rito mga alas dies na hanggang sa hapon.
Humikab ulit ako at napatingin sa reviewer na nasa bookstand. Kaya gusto kong dito sa library mag-aral kasi may mga gamit sila ritong pang-aral talaga. Ayoko kasing bumili ng bookstand kasi sobrang mahal naman tsaka medyo mabigat sa bag. Mabibigat na nga ang libro ko, e.
Nakakapag-aral pa rin naman ako kahit wala iyon.
Bumuntong-hininga ako at saka muling ibinaling ang tingin sa reviewer. StatCon iyong subject na inaaral ko ngayon. Di kasi ako nakapagbasa kagabi kasi nag-aral akong Consti tapos ay nag-digest pa ako at nagsulat para sa trabaho ko. Hinintay ko rin yung ipinasang email ni Atty. sa persons para ma-isend ko kaagad. Kaya ito ako ngayon, inaantok pa rin.
Iniling ko ang ulo ko para kondisyunin ang sarili. Kailangan kong matapos ito ngayon para mamaya makatulog ako kahit ilang minuto bago kami magklase. Baka sa klase ako antukin. Patay ako.
Huminga ulit ako nang malalim at saka ipinokus na ang atensyon ko sa reviewer ko.
Binabasa ko nang mahina yung mga texts para ma-memorize ko rin yung ibang mga dapat kong kabisaduhin.
"Hey."
Sandali akong natigilan at nag-angat ng tingin nang marinig iyon.
Bumungad sa akin ang nakatayong si Teon. May dala siyang libro at reviewer sa isang kamay tapos nakapamulsa namab yung isa. Naka-formal attire na rin siya kaya panigurado ay didiretso na siya sa klase namin.
Tipid akong ngumiti.
"Hi," bati ko.
"Would you mind?" kunot noong tanong niya.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad na umiling.
"Uhm upo ka," sabi ko na lang tapos ngumiti ulit.
Tumango siya at hinila ang upuan sa tapat ko. Kumuha rin siya ng book stand - tigdalawa kasi ang bawat lamesa - at nilagay ang libro niya roon.
Bahagya akong ngumuso at pinagmasdan siyang seryosong nagbabasa. Kalmado lang siya tapos ang bilis pa ng mga mata. Grabe. Ang bilis niyang magbasa at mukhang naiintindihan niya naman lahat kasi sobrang kalmado niya lang.
"You wanna ask something?"
Bahagya akong nagulat at nanlaki ang aking mga mata nang magsalubong ang aming mga mata. Napalunok ako at agad na umiling.
Mabilis kong iniiwas ang aking tingin at saka tumikhim. Nakagat ko ang aking labi at kinalma ang sarili ko. Grabe naman kasi, nakakagulat! Para tuloyng lalabas na sa dibdib ko yung puso ko sa sobrang gulat.
Kasi naman, Cassia, magbasa ka na lang! Hindi ka naman bibilis sa pagbabasa kung tititig ka sa isang yan.
Bumuga ako ng hininga at ipinokus na lang ang mga tingin sa binabasa ko.
Halos hindi ako gumalaw sa kinalalagyan ko habang nagbabasa. Hindi ko alam kung nakatulong na nahihiya ako kay Teon kasi mas nakapag-focus ako sa pagbabasa. Pakiramdam ko kasi isang kilos ko mapapansin niya. E, nakakahiya pa yung pagkahuli niya sa aking nakatingin kanina!
Hay, nako, Cassia, magbasa ka na lang!
Natigil ako sa pagbabasa nang marinig kong mag-bell iyong librarian namin. Marami na ring nagsilabasan na mga estudyante. Napatingin tuloy ako sa suot kong relo.
Mag-aalas dose na pala. Hindi ko man lang napansin ang oras. Bumuntong-hininga ako at nagsimula nang magligpit ng gamit. Napatingin ako sa kaharap kong prenteng nagsi-cellphone na. Bahagya akong natigilan at napalingon sa mga bakanteng upuan sa lamesa namin.
BINABASA MO ANG
Prosecuted (School of Law #2)
RomanceCassia Farrise Alvedrez dreamt of being a lawyer eversince. Hindi sila ganoon kayaman para maka-afford ng law school, but she's a strong believer of the saying "if there's a will, there's a way". Having to study in a prime state university and being...
