Chapter 6

5.2K 95 2
                                        

"Class dismissed. See you next meeting."

Halos sabay kaming bumuntong-hininga lahat nag sabihin iyon ni Attorney. Nauna siyang lumabas habang kami naman ay unti-unti ng nagliligpit ng mga gamit namin. Napabuga ako ng hininga at pagod na isinilid na rin ang mga gamit ko.

"Oh my gosh. My head is aching..." Rinig kong bulong ni Fel sa tabi ko. Ngumuso pa siya at saka sinukbit ang shoulder bag niya.

Nilingon ko si Teon na nasa kabilang tabi ko, pinapagitnaan kasi nila ako ni Fel.

"Okay ka lang?" Hindi mapigilang tanong ko. Nilingon niya ako at kinunutan ng noo.

"Yeah, why?"

Umiling ako at saka tipid na ngumiti. "Wala naman."

Nag-iwas ako ng tingin. May kausap pa si Adolf kaya hindi pa kami nakakaalis. Napapansin ko kasing parang wala siya sa sarili. Buti na lang hindi siya on deck at hindi na rin siya naulit na tawagin. Ako yung kinakabahan sa kanya kanina, e.

"Gosh, that Flynn ha! Why is he absent ba Teon?" biglang tanong ni Fel. Nagkibit-balikat lang si Teon at tumayo na.

Hindi pa rin kami makaalis kasi hinihintay pa namin si Adolf na kinakausap yung mga ka-frat niya yata.

"Hindi ba nag-text kay Adolf si Flynn? Baka alam niya," sabi ko. Mas ngumuso si Fel.

"I don't know with that two. Adolf didn't tell me anything. At ang tagal pa, ha!" reklamo niya at binalingan si Adolf. Nagmartsa siya papunta sa kumpol nina Adolf at pinameywangan ang kaibigan namin.

Napailing na lang talaga ako. Medyo maangas si Adolf pero tiklop naman kay Fel. Pati yung mga kasama nga niya parang natakot sa presensya ni Fel, e. Napatingin ako sa relong pambisig ko. Mag-aalas diyes na. Napahikab ako. Grabe. Medyo sumasakit na ang ulo ko sa dami ng binasa ko kanina. Nag-recit din ako sa Consti kaya medyo pagod talaga ang utak ko at pati buong katawan ko rin. Pag recit talaga pakiramdam ko kinukuha lahat ng lakas ko sa katawan, e.

"You okay?" Dinig kong tanong ni Teon. Nilingon ko siya at nginitian lang. Sandali niya akong pinagmasdan at saka binalingan ng tingin sina Adolf.

"Adolf, aren't you done yet?" tanong pa niya.

"Tara na kasi, Dolf!" Si Fel. Napailing na lang si Adolf at binalingan ang mga kasama niya. Nagpaalam na yata.

Maya maya pa ay bumalik na rin silang dalawa sa amin. "Let's go na! Gosh, I badly need to rest already!" reklamo ulit ni Fel.

Kinuha ni Adolf ang bag niya at nauna silang lumabas. Nakasunod naman kami ni Teon sa kanila. Sobrang dilim na sa labas at tanging mga ilaw na lang samga building at poste ang nagbibigay ng liwanag. May mangilan - ngilan pa akong natatanaw na mga sasakyan at may mga studyante pa rin namang kasabayan namin. Halos mga Law Students lang din.

"Hey, bro, una na kami ni Fel. Something came up, I need to be in the house already," biglang sabi ni Adolf sa amin.

"Yeah. Cass, uhmm we'll go ahead na? Teon, walk mo na lang muna siya."

Agad akong napatingin kay Fel.

"Ha? Hindi. Okay lang naman ako. Tatawid lang naman ako." Tipid ko siyang nginitian.

Paano kasi nakasanayan nilang ihatid ako sa apartment tuwing dismissal simula noong isang araw. Hindi ko rin alam kung ano na naman ang trip ng mga ito. Basta kaming lima ang magkakasabay tapos minsan, nagju-juice pa sila sa apartment ko or nagti-take out kami kapag maaga ang dismiss ng professor.

"No. Still. Sige na, Cass." Ngumuso si Fel at hinawakan ang dalawang kamay ko. Napailing na lang ako sa kanya.

"I'll walk you."

Prosecuted (School of Law #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon