"Prosecutor Alvedrez, ito na po yung mga panibagong complaints."
Tipid na ngiti lang ang isinukli ko sa clerk pagkalapag niya ng mga papel sa lamesa ko. Umayos ako ng upo at saka inayos yung lamesa ko. Tinabi ko muna yung panibagong mga papel at kinuha ang planner ko para tingnan kung may schedule ako ngayon. Nasa kalagitnaan ako ng pagtingin nang bigla namang nag-ring ang telepono ko.
Kunot-noong tiningnan ko iyon.
Giovanni Matteo calling...
Bakit naman kaya tumatawag to? Ang alam ko may meeting siya ngayon. Alam naman kasi namin ang schedule ng isa't isa saka hindi siya talaga masyadong tumatawag pag oras ng trabaho kaya nakakapagtaka lang.
"Hello?"
Inipit ko ang cell phone sa aking tenga at saka kinuha ang mga papel na inilagay ng clerk kanina.
"Cass..."
Natigil ako sa pagpakli ng pahina nang marinig ko ang boses niya. Isinarado ko muna iyon at itinabi.
"Teon? Bakit ganyang ang boses mo? Okay ka lang?"
Hindi siya sumagot, sa halip ay narinig ko siyang suminghot. Bigla ay tinubuan ako ng kaba sa dibdib. Narinig ko ang pagbuga ng hininga niya sa kabila.
"Uhh yeah...uhm can you go home early? I need to talk to you about something..."
Napalunok ako. Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero parang natatakot ako nae wan. Sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko.
"Teon, anong meron? Kinakabahan ako..." Nakagat ko ang aking labi. Muli siyang bumuntong-hininga at saka suminghot. Umawang ang labi ko. "U-Umiiyak ka ba?" kinakabahang tanong ko.
Napatayo na ako at napatukod sa aking lamesa. Hindi pa rin siya sumasagot pero rinig na rinig ko ang paghinga niya sa kabila. Mas lalo akong hindi mapakali.
"Just... please go home early...and sorry I can't fetch you. I love you, Cassia."
"Teon –" Hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin nang bigla niyang ibinaba ang tawag.
Napako ako sa aking kinatatayuan at napatitig na lang sa aking cell phone. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi na niya iyon sinagot.
Nakagat ko ang aking labi at napalunok ako. Hindi pa rin mawala-wala ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Hindi na talaga ako mapakali. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko.
Napaupo ako sa aking upuan at saka nilagay ang cellphone ko sa lamesa. Huminga ako nang malalim. Hindi talaga ako mapakali. Sa huli ay tumayo ako at lumabas muna ng opisina. Dala ko lang ang cell phone ko. Nasa may labas ako ng prosecutor's office para huminga. Pasulyap sulyap ako sa aking cell phone pero wala pa ring message galing kay Teon.
Kinalma ko ang aking sarili. Para akong na-blanko nae wan. Ang sama talaga sa pakiramdam. Minsan ko na siyang nakitang galit noon dahil sa mga problema ng pamilya niya pero hindi ko pa siya naririnig na umiyak. Tapos hindi ko pa alam kung bakit. Mas kinakabahan ako dahil sa sinabi niya kanina.
"Grabe naman ito, o. Kawawa naman iyong Lumad. Iba na talaga ang mga mayayaman. Tsk."
"Sinabi mo pa. Kung sino pa kasi iyong mga may kapangyarihan ay siyang nagiging hakog. Hindi pa nakontento sa kung anong meron sila."
Nanatili akong nakayuko habang kinakalma ang aking sarili pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang usapan ng dalawang guards sa may pinto. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata at muling tiningnan ang aking cell phone. Napabuntong-hininga na lang ako nang wala pa rin akong makitang mensahe kay Teon.
BINABASA MO ANG
Prosecuted (School of Law #2)
RomanceCassia Farrise Alvedrez dreamt of being a lawyer eversince. Hindi sila ganoon kayaman para maka-afford ng law school, but she's a strong believer of the saying "if there's a will, there's a way". Having to study in a prime state university and being...
