Bakit ganoon? Ang hirap maging masaya. Akala ko ba pagkatapos ng unos may bahaghari, bakit ganito? Bakit kailangan pang kunin ang anak ko? Hindi ko maintindihan. Nag-ingat ako. Wala akong ginawang makakasama sa kanya. Lahat ng vitamins ko ininom ko. Lahat ng payo ng doctor, sinunod ko, pero bakit kinuha pa rin siya?
Siya na nga lang ang kasama kong bumangon pagkatapos mawala sa akin ang lahat pagkatapos ng klase. Bakit kinuha siya? Ano bang kasalanan ko? Wala naman akong ginawa. Wala akong tinapakan. Wala akong kasong dinaya. Pero bakit iyong anak ko, kinuha?! Bakit siya nawala?!
Mariin kong naipikit ang aking mga mata habang hinahayaan ang mga luha kong tumulo sa aking pisngi. Naramdaman ko ang paghinto ng wheelchair. Dumilat ako. Bumungad sa akin ang malaking pinto ng bahay nina Teon. Nasa hamba naghihintay ang tatlo niyang kasambahay.Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila habang nakatingin sa akin. Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin lang sa kawalan.
"Manang, pakihanda na lang po ng dinner. Sa kwarto ko na kami kakain." Narinig kong sambit ni Teon bago itinulak ulit ang wheelchair ko papasok ng bahay. Nang nasa sala na kami ay marahan niya akong binuhat pa-bridal style. Wala pa rin akong imik hanggang sa nakarating na kami sa master's bedroom
Inilapag niya ako sa kama at pinasandal pa sa headboard. Kinumutan niya rin ako. Hindi pa rin ako nagsasalita at nakatitig lang sa kawalan. Wala akong lakas. Wala akong mahugot na lakas. Isa lang ang alam ko ... wala na ang anak ko. Wala na naman akong kasama.
Nakagat ko ang aking labi. As if on cue ay bigla na lang dumausdos ang mga maiinit na luha sa aking pisngi. Parang naka-program na yata sa sarili kong umiyak nang umiyak na lang. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit umabot sa ganito. Ito ba iyong ganti sa pagtatanggol ko sa tama? Sa paghahangad kong itama ang baluktot na paniniwala ng boyfriend ko at ng mga kaibigan ko? Ito talaga?! Anak ko talaga?! Hindi ko maintindihan! Bakit siya? Bakit siya pa!
Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Huminga ako nang malalim. Pagkadilat ko ay nagtagpo ang tingin namin ni Teon. Nakatingin lang siya sa akin...hindi rin nagsasalita.
Lumunok ako at bumuntong – hininga.
"Quits na tayo. Nawala ang baby dahil pinakulong ko ang daddy mo..." mariing sambit ko sa kanya.
Kitang kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata. Napasinghap siya at mabilis na lumapit sa akin.
"The fuck are you talking about?!" Iniwas ko ang aking tingin at muling humikbi. Kung ganti ito dahil pinakulong ko si Tito, sana naman ako na lang. Hindi na kailangang madamay ng anak ko. Wala naman siyang kasalanan doon, e. "You really think I want this?! Damn it! Hindi lang ikaw ang nasasaktan! That was my blood too!"
Mas lalo akong umiyak. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya kahit na ibinaballing na niya ang aking mga balikat sa kanya. "Cass...p-please... hush now... I know you're hurting...but damn it. I hate seeing you cry," halos mapaos na sambit niya.
Humikbi ulit ako. Nilingon ko siya. "G-Ginawa ko naman lahat, a.... Hindi a-ako nagpabaya... b-bakit g-ganoon?"
Mariing pumikit ulit ako. Naramdaman ko na lang ang paghila niya sa akin payakap sa kanya. Mas humagulgol ako at ibinaon ang aking mukha sa kanyang balikat.
"M-Mag-isa na n-naman a-ako... p-palagi na lang a-akong m-mag-isa..."
"Damn it, you're not! You're not alone, Cassia... you'll never be..."
~***~
Sobrang sakit ng ulo at mata ko nang magising ako. Agad kong inilibot ang aking mga tingin. Nasa kwarto pa rin naman ako ni Teon. Maliwanag na rin sa labas. Nang tingnan ko ang wall clock ng kwarto ay nakita kong alas-sais na pala ng umaga.
BINABASA MO ANG
Prosecuted (School of Law #2)
RomanceCassia Farrise Alvedrez dreamt of being a lawyer eversince. Hindi sila ganoon kayaman para maka-afford ng law school, but she's a strong believer of the saying "if there's a will, there's a way". Having to study in a prime state university and being...
