Chapter 39

5K 60 16
                                        

"So, how do we do this, huh? I'm really not good at this." Bahagyang tumawa si Adolf at saka umiling.

Bumuntong-hininga ako at saka sumandal sa likod ng couch. Magkatabi kami ni Fel habang nasa tapat naman namin silang tatlo.

Tiningnan ko sila. Pawang nakayuko lang silang tatlo habang si Fel ay nakasandal lang sa akin. Umayos ako ng upo at saka bumuga ng hininga.

"Sorry...sorry rin kung hindi ko agad sinabi. K-Kung h-hindi ko kayo kinausap...a-ang hirap din kasi n-noong nalaman ko...h-hindi ko alam ang gagawin..." Nag-iwas ako ng tingin.

Mas humigpit ang kapit ni Fel sa akin. "Sorry for everything...C-Cass...s-sorry if you feel like we we're throwing you away."

Nakagat ko ang aking labi. Niyakap ko siya pabalik.

"Beadle..." Umangat ako ng tingin kay Flynn. Kinagat niya ang labi at saka tiningnan ako. "I'm sorry...I'm sorry for not talking to you. I'm sorry if you feel like we were not minding you at all...sorry."

Tipid akong tumango sa kanya.

"I guess we all have the same thing to be sorry about, Cass... I'm sorry. I'm sorry for staying quiet." Bumuga ng hininga si Adolf. "Ang hirap din sa totoo lang... you are both our family... it's hard to choose, you know. I tried to stay out of it...but I just saw how Teon needed help. I'm sorry, Cass."

Tipid na ngumiti lang siya sa akin. Tumango ako.

Huminga ako nang malalim at isa- isa silang tiningnan. "H-Hindi naman talaga ako nagtanim ng galit, e. Nasaktan lang ako... a-ang sakit lang kasing naging ganito tayo...A-Ang sakit na nasira t-tayo...k-kayo na lang din naman ang pamilya ko bukod kay Ate Arra. N-Noong nawala kayo, hindi ko na rin alam ang gagawin ko... n-noong nabuntis ako, sabi ko, may makakasama pa rin naman pala ako...ang kaso...k-kinuha na naman siya..." Naipikit ko ang aking mga mata at muli ay bumagsak na naman ang mga luha sa aking pisngi. Humikbi ako.

Agad kong naramdaman ang pagyakap ni Fel sa akin. Narinig kong humikbi na rin siya habang paulit-ulit ang pagsasabi ng sorry. Mas lalo akong umiyak at gumanti na rin ng yakap sa kanya. Ilang segundo pa ay naramdaman ko ang pagyakap ng mga matitipunong mga braso sa amin.

"Shh. It's done now. We can now forgive each other and ourselves, right?" Narinig kong sabi ni Flynn. Huminga ako nang malalim at saka kumalas sa yakap. Isa-isa ko silang tiningnan.

"Hmm. Alam kong hindi na maibabalik iyong dati...sana maging aral na lang iyon." Malungkot ko silang nginitian. Ngumuso si Fel.

"Can we ... just for once... go back to the old us?" Kinagat niya ang kanyang labi. Sabay kaming napatingin sa kanya.

"I'll ready the family room," biglang sabi ni Teon tapos ay umalis na. Agad na tumili naman si Fel at saka yumakap ulit sa akin. Natawa ako at napailing na lang.

"O, so you're going back to being annoying again," komento pa ni Flynn. Agad na kumalas naman si Felt apos ay sinamaan siya ng tingin. Ngumisi naman si Flynn at binelatan si Fel.

"Ugh! Yeah right!" inis na sabi ni Fel na tinawanan lang ni Flynn. Tapos ayun naghabulan na sila.

Napatanga na lang ako sa kanilang dalawa. Narinig ko pang tumawa si Adolf. "Niliteral yata nila iyong bumalik sa dati. Tss."

Natawa na lang din ako at napailing.

Hindi ito ang pinaka perpektong araw pero para akong nakawala sa hawla ng kawalan ngayon. Para akong nakawala sa hollowness na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay bumalik ulit ako sa dating ako. Parang bumalik ulit ang pakiramdam ko.

~***~

Totoo iyong sinabi nilang kapag masaya kayo, hindi niyo na namamalayan ang oras. Parang iyong mga panahon lang namin sa law school noon. Stress kami pero masaya pa rin naman ang experience kaya hindi namin namamalayan ang mga nangyayari. Ganoong ganoon din ang nangyari kanina. Ang sarap lang sariwain ng mga pinagsamahan namin noon na hindi na namin namalayan talaga kung gaano kami katagal na naglagi sa family room at nanood lang ng mga palabas. Parang dati lang.

Gabi nan ang umuwi silang tatlo at n.iwan na ulit kami ni Teon. Kinawayan ko ang paalis na sasakyan nila. Bumuntong- hininga ako at saka ako tumalikod sa pinto. Napatigil pa ako nang magkasalubong ang mga tingin namin ni Teon na nakatayo ilang metro lang din ang layo sa akin. Tiningnan ko siya sa mata at tipid na nginitian.

"Aalis na rin ako bukas. Naka-leave naman ako, baka umuwi na lang ako ng Cebu," sabi ko. Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Naglakad siya papunta sa akin.

"You're just gonna leave me?" Hindi ako sumagot. Nag-iwas ako ng tingin.

"I-Iyon naman ang gusto mo di ba? K-Kahit magkaayos tayo...a-alam kong nasasaktan ka lang pag nakikita ako...k-kaya ako na lang ang aalis..." Nakagat ko ang aking labi. Ikinurap kurap ko ang aking mga mata para pigilan ang aking pagluha.

Narinig ko ang kanyang pagbuga ng hininga. Bahagya pa akong napatalon nang may malalaking brasong pumulupot sa aking bewang. Halos mahigit ko ang aking hininga nang yakapin niya ako. Naramdaman ko na lang na ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking balikat. Napalunok na lang ako nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg.

"I never hated you, Cass. I hated the situation. I hated the position you were in. I hated the fact that you are right about everything. I hated the case because it took you away from me. Y-You were my strength... I have no one else b-but you. I can n-never hate you.... When dad was found guilty, I didn't know what to d-do. My fathers in jail. My girlfriend's away. My mother didn't even come home. My relatives treated us like shit. It was just me ....and our friends. I-I was thankful b-but I know they can never fill in the gap you left..." Napapikit na lamang ako nang mas humigpit ang yakap niya. "I love you, C-Cass...p-please don't leave me...p-please...hindi ko kaya...p-please..." Bahagya siyang kumalas. Ganoon na lamang ang pagsinghap ko nang makita ang sunod sunod na pagbagsak ng mga luha sa kanyang pisngi.

Umiiyak siya.

Mas dumiin ang pagkakakagat ko sa aking labi. Awang ang bibig kong sinapo ang kanyang pisngi at pinahid ang mga luha roon. Bumuga siya ng hininga at hinawakan din ang aking kamay. "P-Please...d-don't leave me... I already lost my dad and our baby...I – I can't lose you, too..." paos na sambit niya at muntik pa siyang pumiyok sa huli.

Parang pinipiga ang dibdib ko sa sobrang sakit. Bakit ba kami nagkakasakitan nang ganito?

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinayaan na lang ang mga luha kong bumagsak sa aking pisngi. Naramdaman ko na lang ang muli niyang pagyakap sa akin.

"I love you, Cassia. I love you so damn much." Doon na ako lalong napaiyak. Yumakap ako pabalik. Mahigpit na mahigpit. Binaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at doon umiyak nang umiyak. "Shh...hush now, Cass. Hush now. I love you so much."

Gusto kong magsalita pero nasasapawan ng paghikbi ko ang aking mga sasabihin. Parang nag-uumapaw ang dibdib ko sa sobrang emosyon. Miss na miss ko siya. Miss na miss ko to.

"M-Mahal din k-kita...m-mahal na m-mahal..." sambit ko sa gitna nang mga hikbi.

Mas humigpit and kanyang yakap. Naramdaman ko pa ang kanyang paghalik sa aking ulo. Hinigpitan ko rin ang aking yakap sa kanya. 

Prosecuted (School of Law #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon