CHAPTER 9 : MY MASTER. MY SLAVE.

1 0 0
                                    

CHAPTER 9 : My Master. My Slave.

SHEEMIE.

Alam nyo ba kung nasan ako ngayon? Andito lang naman ako sa arcade kung san laging nagpupustahan ang mga D's. Alam nyo din ba kung bakit ako andito? Syempre dapat alam nyo na yun.

"Bakit kailangan kasama pa si Sheemie dre?" tanong ni Dwayne kay Dark. Good question.

"Ee alam nyo namang alipin ko yan ee." asar nya

"Hoy! Isa pang alipin mo jan babatukan na talaga kita."

"High Blood ka naman masyado. Haha." inirapan ko lang sya pero pinagtatawanan lang nya talaga ako.

Kaya gustong gusto ko na talaga syang batukan sa mga oras na toh. Oo. Hindi ko pa yan nabatukan ever since. Di naman kami masyado close nyan ee. Kahit may deal kami di naman kami nagkakasama nyan ee. Ngayon lang. I REPEAT NGAYON LANG.

Inuutusan lang naman ako nyan ee. Nagulat nga ako nang biglang nang hatak yan kanina after class.

* Flashback *

"Yes uwian na!" sigaw ko pagkalabas ni Sir.

"Ingay!"

"Paki mo ba?"

"Hindi pwede mag-ingay ang mga alipin."

"Mas mukha ka pa ngang alipin kesa sakin ee. Shoo!! Lumayas ka na nga."

At nginisian lang nya ako. Uh-Oh! May binabalak na naman toh panigurado. Bahala na nga sya. Inirapan ko lang sya sabay punta sa mga girls. Naramdaman ko din naman na paalis na ang D's.

"Kain muna tayo girls. Nagugutom ako." rinig ko namang sigaw ni Xiazeyn sa di kalayuan.

"May practice kami sa Lawn Tennis bes. Pass muna kami ni  Mizzy. Nagugutom na nga ako ee. Huhu." -zisha

"Ayy oo nga pala may practice tayo. Waah! Gutom na din ako. Pero baka malate kami ni Zisha. Malalagot kami nun."

"Malalate na nga tayo ee. Kaya tara na Mizzy. Bye girls. Mauna na kami aa?" paalam ni Zisha

At nagmamadali na ngang silang umalis.

"Paano ba yan tayong apat na lang?" tanong ko.

"Ganun na nga. Tara na at nagugutom na din talaga ako." -jezia

"Pass na din muna ako. May meeting kaming mga officers sa Sapphire ngayon. Sige. Mauna na din ako ah?" paalam ni Yensel sabay nagmadali ding umalis.

"So tayong tatlo na lang. Wala ng magpapass. Nagugutom na talaga ako." -xiazeyn

"Sige. Pero CR na muna ako hah? Mauna na kayo."

"Ok. Pero oorder na kami aa?" --jezia

Tumango na lang ako at nagpunta na sa CR. Sumunod na din naman ako sakanila pagkatapos pero bago ko pa man narating ang cafeteria may humarang na sakin.

"Daztine Ark Reid."  inis kong sabi

"Yes Krysheemie Rollins?"

"Wag mo akong ma yes yes jan. TABI!"

"Ayaw." tipid nyang sabi

"Ano bang problema mo? Kung magpapalibre ka sumama ka na lang sakin. Hindi yang haharang harang ka pa jan." reklamo ko.

"Ayaw ko nga kumain jan."

"So? Problema ko ba yun?"

"Tara!" at hinatak na nya ako.

"Teka...inaantay ako nila Xiazeyn at Jezia."

"Napaalam na kita sakanila."

"Di ako naniniwala sayo."

BLUESTONE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon