CHAPTER 7 : CELEBRATION

7 1 0
                                    


XIAZEYN.

"FIANCEE???" sabay na naman kaming mga girls. Sabay tingin din ng girls sakin. Yung mga tingin na Team-Dreiven-pa-more-look.

"Yes." ngiting ngiti naman na sabi niya. Edi kaw na fiancee.

"Carleen si Yensel nga pala pinsan ni Denver. Tapos sina Jezia, Mizzy, Sheemie, Zisha, Xiazeyn at si Sabeena kapatid ni Dylan." pagpapakilala ni Dreiven samin. "and she is Carleen my fiancee." nginitian lang namin sya.

"So pwede ba akong sumama?" tanong nya.

"Okay lang. Wala namang masama ee." sagot ni Jezia.

"Thank you. So tara na?" sabi nya. Sabay pulupot nung kamay nya sa braso ni Dreiven. Okay!  We get it!

"San tayo nito?" narinig ko naman na tanong ni Jezia kay Dwayne.

"Guys kain muna tayo ng dinner sa Elite Resto." -dwayne

"Walang problema dre. Libre nyo naman ee." -dark

"Di ka kasama dre. May Sheemie ka na ee. Sakanya ka magpalibre." asar ni Dwayne

"Wag mo ako madamay dito Dwayne aa. Nananahimik ako dito. Jezia oh. Pagsabihan mo nga si Dwayne." -sheemie

"Halaa! Bakit sakin ka nagsusumbong?" -jezia

"Kanino pa ba dapat? Sus!" -yensel

Nagkatinginan lang sina Jezia at Dwayne tapos nag iwasan din agad ng tingin. Yihee!  Kinikilig here.

"Attention People!  Kaninong kotse gamit?" tanong ni DN.

"Yan tayo eh." -dark

"Lahat naman tayo may kotse kaya dapat isa sa mga girls isabay nyo." suggestion ng napakabait na si Dwayne.

"Tinatamad ako mag drive dre." -denver

"Ayaw mo lang gamitin kotse mo ee. Mga palusot mo dre." -dark

"Sige. Samin ka na lang sumabay ni Dreiven" -carleen

"Ayun. May isang okay na. Kayo naman ni Jezia sa kotse mo Dwayne. Syempre kayo manlilibre kaya dapat magkasama kayo." -yensel

"Anong connect nun?  Pwede namang hindi na eh." mataranta namang sabi ni Jezia.

"Mas okay na yun." sangayon naman ni Dwayne. "Sino sasabay samin?"

"AKO." sabay na sabi nina Zisha at Dylan.

"WAG NA LANG." sabay ulit sila. Haha.

"Wag ka nga kuya. Iiwan mo ako ganun? Ang sama mo." sabi ni Sabeena sabay pout. Ang cute naman. ^___^

"Aish. Sige na tara na sa kotse."

"Okay. Tara na Ate Zisha." sabay hatak nya kay Zisha papunta sa kotse ni Dylan.

Lumingon naman sakin si bes at nag thumbs up lang ako.

"Aish. Ang kulit. Tss. Sige. Sakay na kami. Bahala na kayo jan mga dre." sabi ni Dylan sabay naglakad na din.

"Wala na kasama nyo kaya dalawa na lang kayo Jezia. Mas okay na din yun para naman walang istorbo sa decision nyo. Kaya gora na." sabay tulak naman ni yensel sa kanilang dalawa.

Hinatak na din naman agad ni Jezia si Mizzy dahil sya pinakamalapit skanya. Ayun tatlo silang magkakasama.

"Halika na din. Sabay ka na sakin Yensel." sabay hatak din ni DN kay Yensel. Di na nakapagsalita si Yensel.

"Pasabay DN tinatamad ako mag drive ee." sabi ni Dark sabay lingon kay Sheemie. "Kasama ka dahil alipin kita." sabay hatak nya din kay Sheemie.

"Kapal mo! Hindi mo ako alipin. Mas mukha ka pa ngang alipin ee." narinig ko pang sigaw ni Sheemie.

BLUESTONE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon