DN.
Sunday ngayon. Yahoo! Walang pasok at may plano ako ngayon. Matagal tagal ko na din naman tong napag-isipan. Sa tingin ko ngayon na ang tamang panahon.
To : Yensel
Meet me sa dating lugar lang. Aasahan na kita. ^_____^
Wala ng atrasan toh. Sige may gagawin muna ako. Bye!
DWAYNE.
Dito ako ngayon sa mall. Nakipagkita ako kay Jezia. Miss ko na sya ee.
First time pala naming lumabas na kaming dalawa lang. Sa school lang kami madalas magkasama. Pag kasi nasa labas kami may isa o dalawa syang kasama kina Mizzy. Siguro naiilang sya? Aware naman kasi ako sa feelings nya.
Yes aware ako. Minsan ko na sila narinig ni Mizzy na nag-uusap tungkol sa feelings nya saken. Kaya iniwasan ko sya nun after ko marinig yun. Ewan ko ba.
"BOOO!!!" pang gulat nya. And I can say its effective. Nagulat ako eh. "Haha. Gulat na gulat ka ata? Lalim siguro iniisip mo?"
"Mejo. " Ikaw naman kasi iniisip ko eh. Gusto ko sana sabihin yan.
"Lagi na lang. Hmpf! Nga pala, kanina ka pa ba?"
"Hindi naman masyado."
"Sorry. Traffic kasi. I swear traffic talaga."
"Its okay. Tara na. Kain na tayo."
"Yey! Tara." Kinurot ko nga sa cheeks. Ang cute ee.
"Para kang bata." Nag pout?
"Gutom na kasi ako ee. Hehe."
"Ganyan ka ba pag nagugutom? Parang hindi naman ata?"
"Oo kaya. Anong klaseng bestfriend ka kung di mo alam? Tsk."
"Sorry naman."
Ngumiti na lang sya. Pumunta na nga kami sa B Grill at kumain na dun. After namin kumain eh hinila na nya ako palabas.
"Dwayne tara dun sa Dairy Queen. Namiss ko ee."
"Namiss mo? Ee araw-araw ka na atang kumakain nyan ee."
"Hehe. Ee gusto ko kasi talaga. Sige na bestfriend."
"Tara na nga. Di naman kita matiis ee. Ikaw pa."
Binilhan ko na nga sya tapos tumambay kami dito sa rooftop ng mall nang bigla mag ring phone nya.
"Teka sagutin ko lang tawag ni Daddy." Paalam nya
I have bad feeling about this. Bakit parang may mali sa pakiramdam ko ngayon? Sus! Wala lang siguro toh. Nakita ko naman si Jezia na malungkot na bumabalik.
"Ano problema?" Ang lungkot nya kasi eh.
"Arrange marriage kasi ee." WHAT? Hindi pwede yan.
"ANO? Kailan daw? Bakit naman?"
"Ewan ko kung bakit. Kailan? When I turn 18. Pero sa ngayon nasa akin yung desisyon. If hindi daw ako pumayag ok lang naman daw."
"Ano sabi mo? Pumayag ka ba?" Sabi na ee. Ito na yung bad feeling na naramdaman ko kanina.
"Ah-eh..sabi ko ok lang. " at malungkot syang yumuko.
"Bakit ka pumayag?" wala sa isip kong tanong. "I mean pumayag ka pero malungkot ka naman?" pambawi ko sa tanong ko.
"Hah? Malungkot? Ako?
"Oo. Ikaw nga."
"Wala naman. Naalala ko lang yung first love ko."
BINABASA MO ANG
BLUESTONE ACADEMY
Teen FictionStep into the welcoming halls of Bluestone Academy, where a vibrant community fosters friendships and celebrates the bonds of love.