ZISHA.
Bakit ba andito sila? Nag momove on ako eh. MOVE ON TALAGA? HAHA.
"Uyy need help?" tanong nya
"No need." mataray na sagot ko
"Bakit kayo andito?" tanong ni bes
"Pinasunod kami eh." sagot nya
"Pinasunod? Sino?" naguguluhang tanong ni bes
"Secret." sagot nya
"Walang kwentang kausap. Tsk." pagtataray ko ulit
"Oo nga. Kainis tong si Dylan eh." pag sangayon sakin ni bes. "Ikaw na nga lang Dreiven. Bakit kayo andito?"
"Basta sila." sagot din ni Dreiven
"Alam mo isa ka pa eh! Ang tino nyong kausap." -bes
"Tara na nga lang." at hinawakan nya si bes sa wrist.
"Aba! Ano yan Dreiven? Saan mo dadalhin si bes?"
"Iuuwi na namin tong pinamili nyo. Bili daw kayo ni Dylan ng pang dinner nten."
"Huh? Anong pang dinner pinagsasabi mo? Tsaka ano pa silbi nitong pinamili namin?" tanong ko
"Bukas na daw yan. Sige na. Alis na kami."
Umalis na nga sila. Kami na lang ni Dylan naiwan. Tsaka anong pang dinner NATIN na pinagsasabi ni Dreiven? Natin? Kasama sila?
"San ka punta?" tanong nitong kasama ko. Di ko sinagot. Di ko din alam eh.
"Uyy! San nga? Bili tayo pang dinner naten." di ko pa din sya nililingon
"Teka nga." at hinawakan nya ako sa balikat. "Galit ka ba sakin?" Galit? Ako galit?
"Hindi." tipid kong sagot.
"Eh bakit hindi mo ako pinapansin?" eh nakakainis ka kasi eh.
"Ano naman sayo kung di kita pinapansin? Affected ka? Eh sino ka ba? Kaya pwede ba wag mo na lang akong kausapin."
Ooops! May mali ba sa nasabi ko? Bakit natahimik sya? Aish! Sigee na nga. Kakausapin ko na.
"Oh bakit natahimik ka?"
"Eh ano naman paki mo dun? Sino ba naman ako diba?"
Halaaa! Galit ba toh? Pasalamat ka di kita matiis. Di sana kanina pa kita nilayasan. Haiz.
* SILENCE *
"Sorry." Sabay namin sabi after ilang minutong katahimikan at iwasan ng tingin.
"Sorry? Para san?" tanong ko sakanya.
"Hindi ko alam. Basta dama kong kailangan ko mag sorry. Iniiwasan mo kasi ako eh. Ibig sabihin may kasalanan ako sayo. Ayaw ko nun. Ayaw kong iniiwasan mo ako."
O to the M to the G!!!
O_____O
Ano bang pinagsasabi nitong si Dylan? At bakit nakakaramdam ako ng kilig. Juskoo! What the hell is happening?
"Eh ka-kasi ikaw eh." nauutal ko pang sabi. "Nakakainis ka kasi eh."
"Bakit naman? Ano bang nagawa ko?"
"Eh paano after nung binigyan mo ako nung food isang buong week mo din akong hindi pinansin nun. Tapos nung nagkita pa tayo dito sa mall inasar mo lang ako. Like hello? Di mo ako pinansin tapos ganun lang? Ayy ewan ko. Nakakainis ka."
"Dinamdam mo talaga nung hindi kita pinansin? Kakasabi mo lang kung sino ba naman ako db?" ayan na naman yang nakakalokong ngiti nya
"Ewan ko sayo. Bahala ka. Hmpf!" tinalikuran ko na nga sya.
BINABASA MO ANG
BLUESTONE ACADEMY
Fiksi RemajaStep into the welcoming halls of Bluestone Academy, where a vibrant community fosters friendships and celebrates the bonds of love.