CHAPTER 1 : NEW SCHOOL. NEW LIFE.

23 1 0
                                    

XIAZEYN.

"OH EM GEE!!! ZISHA NICOLE CATES! LATE NA TAYOOOOO!!!" sigaw ko sa pinakamamahal kong bestfriend.

"Makasigaw bes? Excited yern? Ang aga pa bes at andito lang ako sa Dressing Room. Ikaw tong pagong kumilos eh."  sigaw niya pabalik.

"OMG!! BAKIT HINDI MO AKO GINISING?! YOUR SO BAD BES." sigaw ko ulit habang tumatakbo papunta sakanya.

"Luuh! Bakit parang kasalan ko?" at ginaya niya pa talaga si Bobbie. Haha.  "Ligo na doon! FYI XIAZEYN BEANCA SINGLETON NA TALAGA NAMANG SINGLE PA. GINIGISING KITA KANINA PA." sigaw ulit niya.

"Sge na sge na. Maliligo na ako." at nagtungo na agad ako sa CR.

At dahil love ko kayo, marites time habang ginagawa ko ang daily routines ko. Para di naman boring mga mamsh.

Kung iniisip nyong nasa iisang bahay lang kami ni bes, correct kayo jan.  Bestfriends kasi mga parents namin. First plan nila, dapat magkatabi lang bahay namin. Kaso pareho kami ni Zisha na nag-iisang anak lang kaya napag planuhan nilang iisang bahay na lang. Small family naman daw kasi kami ee, kulit lang. Haha. Yung nga lang kahit papaano may boundary din, nasa right side yung samin tapos left naman kina bes. Pero iisa lang talaga yung bahay. Pero sa ngayon andito kami sa room ko. Kami lang ni bes andito ee tsaka yung mga kasambahay namin. Yung parents namin kasalukuyang nasa iba't-ibang parte ng mundo ngayon. Busy kasi sila sa business. Char!

"Tapos ka na bes? Taralets na! Natutulala ka pa jan ee."

"Yes! Tara na. Pahatid na tayo kay Mang Robert." aya ko.

Sumakay na kami sa sasakyan at pumunta na sa school.

"Bes nasayo ba yung black cardigan ko? Hindi ko mahanap sa cabinet ko kagabi nung nag iimpake ako." tanong ko kay Zisha.

"Yung may pink skull sa right side? Naiwan mo sa room ko nung natulog ka doon last week. But don't yah worry, I got you! Dala ko na bes. Peborit mo yun eh! Haha."

"Ayun! Buti naman." masigla kong sabi.

Tuloy ang kwentuhan namin ni bes habang bumibyahe kami papunta sa school namin hanggang sa marating na namin ang aming school. ^_______^

BLUESTONE ACADEMY

Pumasok na nga kami sa Bluestone Academy ang aming NEW school with our motto, "New School. New Life". Pero syempre arte ko lang yan. Haha. At Kung hindi nyo naitatanong Grade 10 na po kami. ^______^.

"Mang Robert kami na po bahala sa bagahe namin. Maleta lang naman po e."

"Oo nga po. Tsaka wala naman po kaming mabigat na dadalhin." sangayon ni bes.

"Sigurado ba kayo jan mga iha?"

"Opo, Okay lang po." sagot ko

"O'cge, Mag-iingat kayo aa."

"Opo Mang Robert. Ingat din po pauwi." -zisha

"Ingat po." huling sinabi ko kay Mang Robert bago sya tuluyang umalis.

"Tara bes punta na tayo sa Diamond." -zisha

Kasalukuyan kaming papunta sa House namin para ayusin mga gamit namin. Kung hindi ko pa nababanggit, may  orientation and tour for freshmen and transferees last week. And yes, may boarding dito sa school at House ang tawag. Nakaka sosyal! Haha.

Ito na nga, 10 ang Houses dito. Diamond, Jade, Emerald, Ruby, Sapphire, Topaz, Pearl, Beryl, Quartz at Amber. Nasa 2nd floor ang rooms ng mga students. Sa 1st floor may mga rooms din naman pero hindi pa namin alam para saan kasi sa labas lang ng houses yung tour samin. Nasa left side ang rooms ng boys (Diamond 1-5). Sa right side naman ang rooms ng girls (Diamond 6-10). Diamond 7 ako, si bes naman Diamond 10.

BLUESTONE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon