Apollo
Kailangan ko na umuwe.
Kanina ko pa to pinoproblema. I need to go home to Laguna. Naka isang tawag na mommy ko. At pinapauwe na nga ako.
Nagbanta na din sya na pag hindi ako sumunod ay ipapasundo na ako ng nanay ko sa tatay ko. And i know, she's not bluffing.
Mama's boy?
Oy sabi ng isang noontime show bawal judgemental!
Hindi nyo ako pwede husgahan kung hindi nyo kilala nanay ko!
Althea Hernandez, malamang wala marahil nakakakilala sa kanya, hindi naman sya artista or beauty queen. Hindi din politiko. Wala syang hawak na malaking kompanya. Plain housewife lang sya sa tatay ko and simple, loving and protective mother sa akin. Mahilig lang sya magbasa at hindi socialite kaya wala sya masyadong koneksyon. Pero talo pa nya presidente ng America sa power. Isang sabi lang nyan, masusunod agad.
Well, Dahil yan sa tatay ko. Sya talaga may kasalanan bakit ganun. Kahit simpleng maybahay lang si mommy, pero dahil sinusunod sya lagi ni Daddy, daig pa nya may private army. Her word is absolute. Kasi naman itong si daddy, masyado ini-spoil e.
At yeah ano pa ba masasabi ko sa tatay ko, una, bampira sya. Sa usapang Strength and speed wala ako masasabi. Pangalawa, sinasabi na sya ang pinaka malakas na bampira na nabubuhay dahil produkto sya ng mother with poisonous blood, na bihira lang daw mangyari sabi sa legend sa clan nila. Pangatlo, alam kong mahal na mahal at protective si daddy kay mommy kaya ayaw nyang mabigo nya ito.
Mula pagkabata, I am always fascinated sa pagiging bampira ni daddy, yung capacity nya to protect and love mommy is beyond comparable. Naisip ko nga na kung naging bampira din ako, baka magkatulad kami ni daddy, but i guess two thing never happen the same twice. Kaya eto ako.
Simple Normal human being.
Gustuhin ko man maging part ng clan nila ay hindi maari. Dahil kahit tatay ko ang pinakamalakas, mas pinili nya na hindi kami masyado mainvolved sa kung anong meron sa clan. Hindi naman sa tinalikuran nya ang lahi nila, pero meron pa rin kasi hindi sanggayon sa pamamalakad ni lolo at ayaw nila na mapagitna kami pag nagkagulo. But he still support the clan. Isa pa, hindi sila tatanggap ng member na tao. Kahit anak pa ako ng daddy ko.
Then came Jem Mhica.
How can i go home without taming that vixen!
Masyado matigas ang ulo ng isang yun na baka ikapahamak nya! What if pag alis ko, maghunt na naman sya? Pano kung mabuko na naman sya?! Hindi ko alam na may pasaway din sa lahi ng ama ko, akala ko kasi mahigpit sila sa identity nila, kaya kung mabubuko ang isa, Pano ang clan! Kahit tao ako, may pakelam parin ako sa lahi ng pamilya ko.
I pinch the bridge of my nose and close my eyes tightly. I need to find ways kung pano masulusyunan ang dalawang issue. Kailangan ko muna masecure si Jem bago ako umuwe.
-*-
Eksaktong 5pm ay naghanda na ako para umuwi, agad ako lumabas para sunduin si Jem, only to find out na umalis na ang pasaway.
Tsk. Pinasasakit talaga ng babaeng yun ang ulo ko! Pano ko sya iiwan kung ganito!
Mainit ang ulo na umuwe ako ng unit ko at dun sya hintayin. Alam ko naman na uuwe pa rin sya dito dahil wala syang ibang choice! Alam kong concern pa rin sya sa identity at secrecy ng clan.
Matyaga akong naupo sa upuan sa loob ng silid ni Jem upang doon hintayin ang pag uwe ng dalaga. Halos hating gabi na din nang marinig ko ang kaluskos galing sa labas, tanda ng pagdating nya sa unit.