Six

1.8K 81 6
                                    

Mhica

Pabalik balik akong naglakad sa may paanan ng kama kung saan nakahiga ang lalaking nakasama at nabiktima ko noong isang lingo at Kanina. Natutuliro at hindi ko malaman ang gagawin sa kanya ngayon. Lalo na sa mga naganap kanina! I think i just single handedly reveal my true identity to him!

Para akong sinampal ng napakalakas nang matauhan ako pagkatapos kong makabawi ng lakas!

Inaamin kong nabulag ako sa kahinaan sa mga nangyari noong papunta kami ng simbahan. At halos hindi ko maalala ang mga nagawa ko. Nawala ako sa sarili at ang halimaw sa loob ko ang kumilos para sa akin. Nagising na lang ako na nakapatong sa kanya at nakasubsob sa kanyang leeg. Mahina din syang umuungol at dumadaing .

Nanlaki ang mata ko nang marealize ang posisyon namin sa loob ng kotse nya. Mabilis ang kilos at hindi ko malaman ang sususnod na gagawin noong nasa sitwasyon na yon. Unang pumasok sa isip ko ay agad na tumakas at iwan sya doon, sasamantalahin ko sana ang panghihina nya at magpapakalayo layo. Pero hindi ko nagawa lalo na noong bumulong ito.

"Jem.." Mahina nyang sabi pero naulinigan ko pa rin.

Natigilan ako nang Marinig ko na binulong nya ang first name ko. Kunot noong bumaling akong muli sa kanya at tinitigan sya. I admit, gwapo ang lalaki sa aking tabi kaya nga sya ang napili ko noon eh. May instant attraction kasi akong naramdaman nung nakita ko sya..

Now, seeing him weak and drained because of me, nakaramdam ako ng guilt. Sigurado akong naparami ang nakuha kong dugo sa kanya..

Hindi ko sya nagawang iwan sa ganong kalagayan kaya naman dinala ko sya sa unit nya.

Halos buhatin ko na sya kanina nung inalalayan mo ko sya papunta dito! Kung wala lang dumaan na janitor kanina malamang binuhat ko na nga lang sya, but that would be so obvious! People see me as weak and fragile just like what i want them to see para makihalubilo. Kaya magtataka sila kung makikitang may buhat akong tao. 

Tinulungan ako ni kuya na ihatid sya sa kwarto nya. Buti naalala ko pa ang ang room number nya dahil kung hindi, malamang paghihinalaan ako ni kuya na may ginawa akong masama dahil sa itsura nya! Nasira kasi ang damit nya at parang naholdap!

Nang maayos namin syang nailagay sa gitna ng kama, nagpasalamat ako kay kuya at sinabing lasing lang si sir kaya hindi makalakad.

Kaya ngayon, Habang mahimbing syang natutulog, bumalik sa akin ang katotohanan na alam na ng lalaking ito ang secreto ko.

Kagat labing napa upo ako sa isang upuan doon at tumingin sa kanya.

"Anong gagawin ko ngayon.. Kabilin bilinan pa naman ni papa to!!" I said to myself! Gaaa! Kakakuha ko pa lang ng independence ko, ito agad nakuha ko?! I just messed up big time!! Someone discover my identity! 😭

Sa gulo ng isip ko, wala na ako maisip na ibang paraan para takasan ito.

"Kausapin ko kaya?" I murmured. Wala na ako ibang choice kundi iyon eh.. Baka sakali na maintindihan nya, at mapakiusapan na itago ang kanyang nalalaman. Wala naman talaga akong intensyon na masama eh!

😢😢😢

Naghintay ako ng oras sa kwarto nya para kausapin sya pag gising. Halos tatlong oras din ako naghintay bago sya marahan nagmulat.

He groans at dahan dahang bumangon sa kama. Nang makaupo sya, nakita kong inilibot nya ang mata sa loob ng silid at natigil ito nang makita akong nakaupo sa may study table nya.

"Buti naman nandito ka pa." Sabi nya sa akin. "Akala ko tatakbuhan mo nanaman ako eh." May kaunting ngiti sa kanyang labi pero hindi ko alam kung ngiting masaya na nakita ako or ngiting nang aasar.

Vampire's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon