Mhica
"Mhica.."
"Oy mhica!" Naramdaman ko na lang ang pagbato ng nilukot na papel sa ulo ko kaya napilitan akong lumingon sa kabilang cubicle.
"Kanina pa kita tinatawag! Tulala ka jan!" Kunot noong tanong ni Pauleen. "May problema ba?" Tanong pa nya, Napabunting hininga na lang ako at umiling.
Hindi ko masabi sa kanya ang iniisip ko. Hindi naman nya maiintindihan ang problema ko! Haayyy
Isang linggo na kasi ang nakalilipas nang nagusap kami ni Sir Pol. Hindi ko masabi kung maganda or masama na kinausap ko pa sya. Ewan ko, hindi ko kasi inaasahan na ganun ang kalalabasan ng usapan namin.
Akala ko nung una, mahihirapan akong kumbinsihin sya para pumayag na itago ang nalalaman. Pero naging madali lang ang lahat. Pero hindi ko naisip na mahihirapan ako sa magiging kapalit noon.
Gaaa!! Pano ba ako napasok sa sitwasyon na yun!
Iniisip ko tuloy, kung hindi ko sya kinausap, at iniwan na lang sya sa kotse baka wala na ako problema.
Pero kahit naman hindi ako tao, my humanity is bound within me. Dahil naniniwala ako na the greatest of humanity is not being human, but in being humane. At hindi ko maatim na iwan sya doon sa ganoong estado. Hindi naman talaga ako masama no!
Naalala ko pa ang naging usapan namin at pano ako napilitan sundin ang gusto nya.
Flashback
"What the fucking fuck!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses at pagtayo nang sabihin nya ang kundisyon nya.
"Language please." Maotoridad sa saway naman nya.
"You are seriously asking me to be your maid? As in alalay? Katulong?!" Pinanlakihan ko sya ng mata at hindi makapaniwala sa kundisyon nya baka naman mali lang ako ng dinig?!
"Yes! Its simple right? Kapalit ng pananahimik ko, yun lang hinihingi ko." He cooly said na parang balewala lang ang outbust ko.
"What the.." Bago ko pa naituloy ang pagmumura, sinamaan na nya ako ng tingin kaya naman pilit kong pinakalma ang sarili at sinubukang mag reason out.
"Hindi mo ba nakita kanina? Bampira ako! Wala ka bang clue na wala akong alam sa pangangailangan mo bilang tao?!" Sabi ko sa kanya nagpalakad lakad ako sa may kusina na parang hindi mapakali.
Shet naman! Katulong! Anong alam ko don! Eh pagkain nga nya wala na ako alam what more sa iba pa? Alam ba nya hinihiling na?
"Your job will be simple, kapalit ng pananahimik ko, susunod ka sa gusto ko and you wil be my own personal maid." He said it like it was just a simple thing na parang bumibili ka ng kendi sa sari sari store. Pero ako? Na lumaki at nasanay sa buhay ng isang bampira, mahirap yun!
"You will work closely to me yun lang." Dagdag pa nya
"Anong simple dun! Tsaa pano? nagttrabaho din ako sa office no! Shet! Alam mo bang iniisip ng head namin na inaakit ko ang mga nagpasok sakin sa opisina?! Tapos gusto mong magdidikit ako sayo?!" Baliw ata ang lalaking to eh!
"You can still work at the office, pero after office, dito ka uuwi sa akin para asikasuhin ang mga kailangan ko as my maid." Sabi nya.
Kung hindi ako mapakali at nagpapabalik balik ng lakad, ng oras na yun, sya naman ay relax na relax na nakaupo. Humalukipkip lang sya at matiim akong tiningnan.
"Wala na bang ibang choice? Ano.. May gusto ka bang puntahan? Kotse kaya?" Tanong ko sa kanya, madali lang kasi ibigay kung bagay yung hinihingi nya eh.