Mhica
Sigh.
For nth times, muli akong sumulyap sa pinto ng office na kinaroroonan si Sir Pol.
I continue my office works as if nothing happened when i left that office. Lagi akong lumilingon sa kinaroroonan nya Pero tanghali na, wala pa ring lumalabas sa tanggapan nya, well pwera na lang sa ilang taong pumasok doon tulad ng secretary nya.
Napabuntong hininga na lang ako.
Napakadaming pumapasok sa isip ko the moment i step out of that place. Iniwan ko sya sa loob, weak and drained, guilt immediately punched my conscience, but then again, naisip ko, hindi ko naman hiningi sa kanya yun. Diba? So wala ako kasalanan?
He initiated that! Diba?! Hinila nya ako papasok sa office at bigla nya akong sinunggaban! I tried! Ehem i really tried to refuse him but He offer me a deal na mahirap tanggihan! Mahina pa naman ako sa tukso! Sa pagkain ha.
Pero ang hindi malinaw sa akin ay bakit?! Bakit nya ginawaga yun?! Ano dahilan nya? May binabalak ba sya sa akin?
Come to think of it,
It is easy for him to blow my cover and reveal my identity, but he choose to hide it. I am grateful for that kahit pa kapalit nito ay ang pagsilbihan sya bilang katulong. Pero hindi talaga mawala ang suspetsa ko na may hidden agenda ang boss ko sa pagtatago ng lihim ko.
Wala naman kasi sanang problema pa sa set up namin, kung hindi sya nangenge-alam sa personal kong buhay! Oo pumayag akong maging katulong nya pero hindi ko naman sya binigyan ng karapatan na panghimasukan ang iba ko pang lakad no!
The other thing that bothers me! Kung makaangkin sya kala ko pagmamay ari nya ako!
Ay naku! I dont really get him.
Kaya kailangan talaga naming mag usap muli. Kailangan namin magkaliwanagan!
~*~
"Mhica! Wala ka na naman kagabi! Ininvite mo pa naman yung bagong salta!" Nag aalbor si Pauleen nang umupo ito sa tabi ko sa cafeteria. Lunch break na kasi at sumama ako sa kanila para "kumain". Kahit walang kwenta ang mga pagkain nila para sa akin, kailangan kong ipakita na kumakain ako para makihalubilo. And pauleen is ranting tungkol sa lakad namin na hindi ko nasipot!
"Yeah, sorry, something came up at hindi ako nakapunta, tama lang pala na nainvite ko si John Ray may nakasama ka kahit wala ako." Sabi ko sa kanya,
"Anong tama!? Mas gugustuhin ko pa ata mag isa kesa makasama sya!" Reklamo naman nya. Hindi ko alam kung ano nangyari sa kanila at ganito sya kainis. "God! San ba galing ang lalaking yun! Ang presko! Uhgh sigurado ako fuckboy sya!"
Natatawa na lang ako sa mga reklamo nya!
Hindi nagtagal, dumating din sa kinaroroonan namin ang lalaking nirereklamo nya.
"Hey babe." Bati agad nito sa katabi ko na halos hindi maipinta ang itsura nang marinig ang tawag sa kanya ng bagong dating. Umupo sya sa tapat namin at Simpleng hi lang naman ang bati nya sa akin kaya tinanguan ko na lang sya.
"Oh please! Men with endearments! Lumang tactic na yan ng mga fuckboys no! I know ginagamit nyo yan dahil hindi ko na maalala ang pangalan ng babaeng nilalandi nyo!" Mataray na puna nya.
"Aw, grabe ka naman babe, hindi ba pwedeng endearement dahil special ka?" Swabeng bawi naman ni John Ray.
"Tse! As if naman na naniniwala ako! Magtigil ka! Wag mo akong tawaging babe! Hindi ako baboy!" Sigaw nya sabay tayo at iniwan kami sa mesa.