Mhica
Sa isang bar ako inaya ni Gladys, kung saan daw napag-usapan na magkikipagkita ang mga barkada namin.
Sakto pala pagkakabangga ko sa kanya kanina kasi na may lakad talaga sila ngayong gabi. Kaya naman minabuti na nya na isama ako, para makuha ang opinion nga barkada namin.
Matagal na rin palang Hindi nakakasama ang mga kaibigan ko. Kung tutuusin, para ko na din silang mga kapatid at dahil sa ako ang pinakabata sa kanila, parang napapalibutan ako ng mga ate ko pag kasama ko sila.
Tahimik lang akong nakaupo sa shotgun seat habang nangmamaneho si Gladys.
Halata sa mukha nya na hindi sya masaya sa mga sinumbong ko kanina. Alam ko naman na kasalanan ko at isang kapabayaan ang ginawa ko. Nagpadalos dalos ako dahil akala ko kaya ko na. Oo na mapusok kasi ako at marupok na din.
Kaya isang malaking problema at lesson learned ito sa akin.
Pag pasok pa lang sa club ay sumalubong na ang ingay at lakas ng music galing sa loob. Kahit madilim at malikot ang ilaw sa paligid ay Mabilis namin natagpuan ang mga kaibigan sa isang sulok ng bar at nakaupo sa pabilog na leather couch na nakapalibot sa mejo mahabang table doon.
Malawak ang ngiting sinalubong ko sila at masaya kumaway at binati ang aking mga kaibigan nang makalapit kami sa kinauupuan nila.
"Oh may gosh! Si Mhica! Ay namiss kita bunso!" Bulalas ni Thia na syang unang nakapansin sa pagdating namin. Sya ang isa sa pinaka matured sa grupo namin. Maasahan at matatakbuhan pag may problema kami. Sya pinaka ate kumbaga.
"Oo nga! Bakit ngayon ka lang namin nakita!" Mataray na Sabi naman ni TM, kikay, matapang kung titingnan pero pusong mamon din.
"Kasi naman, kung hindi ko nakasalubong to kanina, hindi ata magpapakita itong si Micha, at ngayon lang ata pwede lumabas naku! Nagsarili kasi Kaya dapat icelebrate ang 20th birthday nya noong last." Ani Gladys na hinila ako makaupo sa may gitna ng couch.
Hindi ko naiwasang ngumiti nang makita silang natatalo. Parang nakalimutan ko na meron nga akong problemang kinakaharap dahil sa nakikita kong pagkukulitan nila. Na kahit lahat kami nagkakaiba iba, may factor pa rin na nagbibigkis sa aming lahat.
Bukod sa magaganda kami, successful sa mga sariling profession, Lahat kami dito, bampira.
Yes, you heard it right.
We are one hell of a group of hot and fiesty vampires.
"Parang hindi kayo nagkikita kita! Mamaya na kayo magbatian dahil may problema ang bunso natin." Singit ulit ni Gladys.
Biglang nagseryoso naman silang lahat at tumingin sa akin.
"Oo nga, ano bang nangyari?" Usisa ni Mela, isa sa pinaka matured at protective sa aming lahat. Sya tinatawag namin pag may nakakabangga ang isa sa amin. Dahil sigurado, ipagtatanggol ka nya. Lawyer sya by profession. Kaya normal sa kanya ang interogation. Gusto ko sana na wag muna sabihin sa kanila problema ko dahil ngayon lang kami nagkita kita. Kaya lang, alam ko din na hindi nila ako titigilan at isa pa, alam ko na makakatulong din talaga sila sa akin.
"Someone discovered me."
Panakang Simula ko. Seryoso ko silang tiningnan at nakikita ko ang gulat sa kanilang mga mukha. No one dared to comment at hinihintay nila ang susunod ko pang sasabihin, kaya huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pagk-kwento. Wala akong iniwan na detalye sa kwento at matiim naman nila akong pinakinggan.
"Yun nga. He discovered me at ngayon hindi ko alam pano makakawala, ipit na ipit na ako e, hindi ko alam gagawin." Problemado kong sumbong sa kanila.
"That's blackmail pwede sya kasuhan diba Mela?" Baling ni Thia kay atty.
"Yes, may ground nga ng kaso yan. Pero alalahanin nyo, identity ng buong clan ang nakasalalay kung kakalat ang kaso na to." Sagot naman ni Mela.
Nakita kong napatango ang iba naming kasama bilang pag-sang-ayon. At mukhang pati sila ay namomoblema na din.
"Eh kung takutin kaya natin." Suggest naman ni Gladys.
"Pano mo naman tatakutin aber?" Taas kilay na tanong ni TM.
"We confront him! Tarayan at sampalin! Ganun! " Nanggigigil na sabi ni Gladys. Napangiti pa ako nang may action pa sya ng gusto nyang gawin kay apollo.
"Nako, Gladys, pinapanindigan mo na naman ang pangalan mong pang- kontrabida!" Naiiling na salungat na naman ni TM. "Yung pagiging vampire nga ni Mhica hindi sya natakot, sampal pa kaya!? Pang teleserye lang epektib mga ganon no!"
"Ano ba problema mo sa pangalan ko ha? Yung sayo nga sim card! Republika ng TM, astig ka dito!" Ganti naman nito na may kasama pang pag amba ng suntok sa best friend nya.
Tuluyan na akong napatawa kahit nasa gitna ako problema.
Sari sari na din ang minungkahi nila na dapat kong gawin. Merong nagsabi na umalis at magtago na lang ako na sinang-ayunan ni Thia. Dadalhin daw nya ako sa ibang bansa kung kailangan. Pero hindi nila malaman pano mapapatahimik si Apollo kung sakali na ituloy nga nito ang bantang ibubunyag ang lahi namin.
Sari saring haka haka at kung ano ano nang naiisip namin, halos sabay sabay na din kaming nagsasalita nang..
"Bakit hindi mo na lang samantalahin?" Napatingin at natahimik kaming lahat nang si Mela naman ang nag mungkahi.
what does she mean? Naguguluhan akong tumingin sa kanya para manghingi ng paliwanag pa.
"Well diba sabi nga nila, if you can't beat them, join them." Kibit balikat na aniya. "Hindi tayo makakagawa ng way para maalis ang blackmail nya, bakit hindi mo na lang samantalahin, that way, you can do whatever you want with him nang wala tinatago, I mean he can be your meal or whatever nang hindi ka matatakot na mahuli ka pa pwede mo din sya pag praktisan, dahil sabi mo nga, mali ka sa timing." Paliwanag nya.
"So ibig mo bang sabihin, okay lang na maging maid itong bunso natin?" Paninigurado ni Thia.
"Pinahihirapan ka ba nya?" Baling ni Mela sa akin.
Inalala ko yung mga gawain ko sa unit bago sumagot,
"Hindi naman, madalas nga wala din ako ginagawa. Yun lang gusto nya stay in ako sa condo unit nya." Sagot ko naman.
"Yun naman pala, hayaan mo na lang na ganun. That way, iisipin nya na sumasang-ayon ka sa kanya at hawak ka nya, pero ang totoo, ginagamit mo lang din sya". Sabi pa ni Mela
Tumingin ako sa iba pa naming kaibigan at Lahat sila ay tumatango at sumang-ayon,
Napaisip naman ako.
Bakit nga ba hindi. Ano ba mawawala sa akin? As long na hindi nya ilalabas ang sekreto ko, wala naman magiging problema diba
At kung pinaglalaruan naman nya ako, well
Two can play this game.
Kaya humanda ka Apollo.
You are now officially
A vampire's boss.
_______
Oha tagal diba? Sorry po. Wala po reason. Talagang tinamad lang hehe
Feel free to comment and suggest