Mhica
"Mhica, natapos mo na ba ang financial report parang ngayong bwan?" Paangil na tanong ng head ng financial department ng kumpanyang pinag-ttrabahuan ko. Isang malaking kumpanya ang Pinagta-trabahuan ko at hindi basta basta nakakapasok dito. Kaya naman mainit ang dugo ng head namin sa akin. Dahil sa edad na bente, nagawa kong makapasok kahit wala akong matatag na experience.
Nagtatrabaho ako bilang accountant ng kumpanya. Siguro ito ang One of the benefits sa pagiging miyembro ng Clan namin. Hindi mahirap makakuha ng trabaho. Isa din kasing bampira ang may ari ng kumpanya kaya naiintindihan nya ang pangangailangan namin ng trabaho.
"Yes maam." I said sweetly kahit ramdam ko na pinagiinitan nya ako. Nakangiti kong inabot sa kanya ang folder na naglalaman ng papeles na kailangan nya. Gusto kong patunayan na sa kabila ng kinaayawan nya sa akin, i can do well on my job. I cant afford to give her the satisfactory of thinking na isang kamalian ang pagtanggap nila sa kin dito, o ginamit ko lang ang itsura ko para makapasok. Tsk kasalanan bang maging maganda? 😋 Isa pa, kailangan ko ang trabaho ko. I just got my independence no!
"Hmmp!" Pahablot na kinuha nya ang folder at pairap na umalis sa cubicle ko. I smirk nang makita ang likod nya. Wala talaga syang bilib sa akin. Pero sorry sya, matalino ako at masipag! Kaya kahit maliit lang ako, hindi nya dapat ako minamaliit! Kahit pa ilang araw lang nya binigay yung account na yon para pahirapan ako, nagawa ko pa rin ng maayos.
Ilang araw at gabi ko din ginawa yun para lang matapos ha. Pasalamat sya, hindi ko kailangan matulog dahil don. Kuu.. Kung hindi lang masama, baka sya mapag initan ko at kung ano magawa ko sa kanya!
Dahil sa kanya, hindi ako nakalabas man lang. Hindi tuloy ako naka hunt ng dugo. Isa't kalahating linggo na din ang nagdaan mula nang una at huli akong naka tikim ng sariwang dugo.
Malinaw na malinaw pa sa akin ang lahat ng detalye nung gabing yon. Pati na din ang detalye ng mukha ng lalaking naging unang biktima ko.
Wala akong masabi, gwapo at mayaman ang naging pagkain ko.
I smiled with that thought.
Sayang, hindi ko sya nakilala. Iniwan ko syang nahihimbing ng tulog at hindi na inalam ang kanyang pangalan. Nawala sa isip ko na baka papayag syang maulit ang nangyari sa amin. He can be one of my foods you know. Sa tao ay fubu, friends with benefits, no string attached relationship.
Haayy okay lang, meron pa namang iba jan. Sigurado ako dun. Madaming lalaki jan na ganun lang ang hanap. It's a win win situation for us. I can give them sexual satisfactory and they can give me their blood in return. 😏
Siguro mamayang gabi. Lalabas ako para makatikim muli. Ibang iba kasi ang lasa at lakas na nakukuha pag sariwang dugo ang naiinom, sobrang nakaka satisfy.
Pero for now, kailangan ko muna magfocus sa trabaho ko. Kaya naman hinarap ko ang aking desk at nagsimula magtrabaho.
Malapit na magtanghali nang bumalik ang head namin at lumapit sa desk ko. Tsk sigurado, isang pahirap na naman to.
"Here." Sabay abot ng isang folder. " account yan ng isang property ng kumpanya, kailangan yan ni Sir bukas, so we expect na matatapos mo yan." Nakangiting sabi nito. Yung ngiting tipong nang iinis. Yung parang alam nyang hindi ko kakayanin lalo na bukas na agad ito.
"Makaka asa kayo maam." Sinuklian ko ng parehong ngiti ang binigay nya."Good! Aasahan namin yan bukas!"
Nakangising umalis sya sa tabi ko at iniwan akong nag ngingit ngit.
"Ahh! Kainis!" Pa batong binagsak ko ang folder sa ibabaw ng mesa at padabog na umupo! Nakakainis na talaga si Ma'am! Sumosobra na sya ha! Katatapos lang ng isang account, may bago agad! At bukas na agad kailangan!
"Panira talaga si Ma'am!" Usal ko.
"Mukahang pinag iinitan ka." Sabad ni Pauleen sa tabi ko. Isang tao sya at katrabaho ko, maganda at mabait ito sa akin kaya madali din kaming nagkasundo.
"Pansin ko nga, tsk, balak ko pa naman lumabas mamaya." Pagrereklamo ko sa kanya. Mukhang hindi na naman matutuloy ang lakad ko dahil dito.
"Tsk, kaya mo yan! Ikaw pa, you always proov them wrong diba?" Pag encourage nya sa akin. "Kung gusto mo, labas tayo after ng account na yan." Sabi pa nya sa akin.
"I like that!" Sabi ko sa kanya.
"Okay! Girls night out tommorow!" She cheerfully said bago muling nagtrabaho.
And with that, magaan na nagsimula akong basahin ang account na binigay sa akin kanina at pinag aralan ito. I need to finish this para makalabas kami kaagad bukas!
~*~
Halos maghapon magdamag ko ginawa ang financial statement na binigay sa akin kahapon. Kaya halos hindi na ako nakauwi. Mabuti na lang at katabi lang ng office ang condo unit na binili ng papa ko para sa akin. Kaya naman nakauwi ako para maligo at magpalit ng damit.
Naka mata sa akin si ma'am Grande nang pumasok ako ng office. Confident akong pumasok at naupo sa station ko knowing na natapos ko ang pinagagawa niya.
By 8 am, pinatawag nya ako at sinabing kinukuha na ang papeles na binigay nya.
"Ikaw ang mag ppresent nyan kay sir." Naka ismid na sabi nya. Tsk sa totoo? San ba pinaglihi ang babaeng to? May kinalaman ba ang kasungitan nya sa pagiging matandang dalaga? Kung pwedeng dahila ba yon para magkaroon ng karapatan na mag sungit? Sumosobra na eh.
"Yes maam." Magalang na sagot ko. Pasalamat sya nakukuha ko pang gumalang sa kanya sa kabila ng kagaspangan na pinapakita nya sa akin.
"Nag hinintay sya sa office ng COO." Sabi nya sa akin bago tumalikod.
Pasimple akong nag ayos nang tumalikod sya sa akin. Kinuha ko ang pressed powder at nagretouch ng konte at inayos din ang lipstick sa labi ko. Kailangan kong mag mukhang presentable e. Nang sa tingin ko ay maayos na ako ay kinuha ko ang folder at tumayo na.
Habang naglalakad papunta sa elevator, i mentally practice the speech na gagawin ko sa pagppresent ng account. Hanggang makapasok ako ng elevator, at pinindot ang floor kung saan nag office ang mga big bosses.
I continue to practice my spills habang naghihintay sa loob ng elevator. And when it stopped and open, I blew a deep breath trying to calm my nerve. Kinakabahan pa rin ako no! Baka sa kanya pa ako pumalpak, mahirap na.
Lumabas at naglakad ako papunta sa office kung saan ako mag ppresent
"Are you Mhica Arnoco?" Tanong ng secretary sa labas ng kwarto.
"Yes." Simpleng sagot ko
Kinuha nya ang avaya at tinawagan ang amo sa loob para ipaalam na nandito na ko.
"Okay, he's expecting you." Nakangiti nitong sabi nang ibaba ang aparato at iminustra na pwede na akong pumasok.
Pasimple kong pinlantsa ang damit ko gamit ang kamay nang tumigil ako sa pinto ng office ng COO. I knocked lightly para malaman nya na papasok na ako.
Nang makapasok ako, tumambad sa akin ang magarang opisina, malaki ito at napapaligiran ng blinds para hindi gaanong kainit. Iginala ko ang mata at napansin ang lalaking naka upo sa gitna ng office at abala sa pagbabasa ng kung ano.
"Good morning Sir." Bati ko sa kanya at lumapit sa table nya. "I'm here to present the financial statement na hinihingi nyo sa amin." Pagbibigay alam ko sa kanya nang hindi ito nag angat ng tingin kanina nung binati ko.
Sandali pa akong naghintay na pansinin nya or bigyan ako ng go signal para magsimula.
Pero nanlaki ang mata ko nang umagat sya ng tingin at nagsalita.
"Good morning Ms. Jem Mhica Arnoco." Bati nito at tumingin sa akin.
Habang ako ay natigilan at nakangangang nakatingin sa kanya
"You can start by explaining why you leave me after you suck my blood."
-----
Waaaa
Explain pa more!
Feel free to comment