Kinuha ko yung earphones ko at sinalpak sa laptop ko. Dumapa ako sa kama at inopen ang camera. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng mga kaibigan ko at nag-aya ng video call. Ang plano ko ngayon ay maglinis ng kwarto at magbasa lang ng libro pero kailangan ko na ata ischedule ng ibang araw 'yon."Hello!" Napangiwi ako ng marinig ko ang malakas na boses ni Sanya.
"Anong meron?" Tanong ko. Lahat sila ay online at ako lang ata ang nahuli.
"Wala lang, namiss ka namin," sagot ni Jaz.
"Ulol, wala akong pera." Nagtawanan silang lahat dahil sa sagot ko.
"Pera agad? Genuine feelings ko 'to, hoy!" Sumbat niya. Pumitik ako sa camera na parang may nakakadiring insekto akong nakita.
"Harsh mo talaga, kurutin kita pagbalik ah," naaasar niyang sabi habang pilit na ngumingiti. Tinaas ko ang kilay ko na parang hinahamon ko siya.
"Kamusta naman ang pagiging student council pres?" Singit ni Samara. Umirap ako at umiling.
"Nakakastress na, as in! Hindi pa nagsisimula ang school year pero ang daming events at projects na agad ang kailangan tapusin."
"Eh bakit 'di ka magpatulong kay Nyx?", suggest niya.
"Akala mo ba hindi ko naisip 'yon? Ang problema nga lang, gusto niya kunin yung majority ng mga ginagawa ko na responsibilidad ko naman." Reklamo ko. Totoo 'yon. Nitong bakasyon ay halos araw-araw magkausap kami, ibang sitwasyon pa yung kapag buong student council ang may meeting. Kada may kailangan gawin ay ichachat niya ako after ng meeting para ibigay ko sa kanya yung task.
Wala naman akong problema kung gusto niyang tumulong pero ako nga yung president. Meaning, mas may responsibilidad ako para sa mga kailangan gawin for the incoming year. Tsaka aware na ako sa bigat ng trabaho bago ko pa man tanggapin yung role na 'to, kaya naihanda ko na rin ang sarili ko para sa oras na ilalaan ko at pagod na mararanasan ko.
Nyx has helped me so much, sa totoo lang, but I don't want to be dependent on him. Isa 'yon sa mga napansin ko simula ng maging close kami. Before naman ay kaya kong tapusin mag-isa ang mga ginagawa ko pero ngayon parang kailangan ko pa siyang iconsult or hingian ng suggestions kapag may kailangan na akong ipasa sa SC adviser. And ayokong makasanayan 'yon. Dapat ay maging confident ako sa abilities ko.
In a way, hindi ko naman sinasabi na hindi ko kailangan ng tulong pero ilulugar ko ang paghingi no'n. Hindi porket may willing tumulong ay kukunin ko na agad 'yon. May hiya pa naman ako at pride kaya as much as possible gusto kong ginagawa ng mag-isa ang trabaho ko.
"Kung pwede niya lang gawin lahat ng trabaho ko, ginawa na niyan. Parang siya ang president sa aming dalawa.'
"Sapaw ka pala, dude," gatong ni Zeo sa kanya kaya natawa kami nang pinakyu siya ni Nyx.
"Shut up, bro."
"Hala, ano ininom mo Nyx? Ang lalim na ng boses mo," puna ni Stazie.
"Oo nga." Sang-ayon ni Shine na kumakain ng ice cream.
"Lumalim ba?" Nagtataka kong tanong. "Salita ka nga ulit."
"Hello, pres." Pinakinggan ko naman ng mabuti pero parang wala naman nagbago.
"Lagi kayo magkausap, 'no?" Biglang usisa ni Dylan. Simula nang mag-call ay nagbabasa lang siya ng libro kaya hinayaan lang namin siya na makinig sa usapan namin. Buti nga ay nakakapagfocus pa siya sa binabasa niya kahit na ang ingay namin dito.
BINABASA MO ANG
Melting Frosts
Teen FictionRina Mercedes is almost like a personified ice. She's insensitive, dense, and does not hold back her thoughts. She hardly gives a glance to people around her, aside from her family and friends. Nyx Andrada is her opposite- a soft flame. He's honest...