Frost 6

2 0 0
                                    






"Ang tagal niyo naman i-dismiss!" Iritang bungad sa'kin ni Jaz. Kanina ko pa sila napansin na nakatambay sa labas ng room namin. Nagdrama kasi ito na sabay-sabay kaming mag-recess sa canteen. Hindi pa nga ako pumayag nung una kasi masikip do'n at nakakatamad bumaba. Isa pa, since maraming bumibili ng pagkain, mainit na doon dahil crowded. Mabilis pa naman akong pagpawisan, tsk.


"Ako ba teacher? Ayon sisihin mo," bulong ko at tumango sa direksyon ni sir na iilang hakbang lang ang layo sa amin. Pababa na rin siya bitbit yung libro at laptop niya. Magaling naman siya magturo, malinaw at straight forward. Kung maaga lang siya magpa-dismiss e'di sana favorite ko na siya. Sayang.


"Bilisan niyo na maglakad, 23 minutes na lang natitira oh." Nauna na ako maglakad sa kanila. Si Nyx ay tahimik lang na naglalakad sa gilid ko. May mga nakakasalubong kaming kaklase last year, tinatanguan ko lang sila dahil hindi naman kami close. Yung iba ay kay Nyx kumakaway na sinusuklian niya ng ngiti. Buti nga na kahit naging close kami ay hindi siya nahawa sa ugali ko. Friendly din naman 'to kaso mas pinipili niyang mag-stay sa circle niya.


Pagdating sa baba ay nakasalubong namin ang adviser namin. Bumati lang kami sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.


"Ms. Mercedes!" Lumingon ako sa likod at nakangiting naglakad palapit si Miss Sison, adviser ko last year.


"Good morning ma'am," sabay na bati namin ni Nyx.


"I heard that you got elected as the president again?" Nakangiti akong tumango sa kanya.


"No wonder. I knew that you're capable because I've seen it. Anyway, the faculty is already looking for students who can run in the student council next year. Knowing you, I think that you are fit for the next president. What do you think?"


What the hell? Trip ko lang naman magpresident last year tapos swertihan na lang siguro ngayon. But student council? Damn. Tinignan ko si Nyx na parang tinatanong kung ano sasabihin ko. He just gave me an encouraging smile, indirectly telling me that it's up to me. I smirked, damay-damay na 'to.


"Ma'am thank you for trusting me with this responsibility. However, I will just accept if Nyx will be my vice president." Baka mawalan na ako ng food sponsor nito pero bahala na.

"Great! I'm going to give you the application forms later and you can submit them within this week, no pressure, okay? And I almost forgot you are competing with Stella for the same position. For you Nyx, I believe that you secured the spot already." Nagkamot na lang ng batok ni Nyx at napilitang tumango.

"But I have a condition as well ma'am if you don't mind. If ever Rina loses and I win, I will not accept the position; She will be the only president that I will serve." Natigilan saglit si ma'am at nagpabalik-balik ang tingin sa aming dalawa bago ngumit ng matamis.

"Noted on your conditions. I wish the best of luck for the both of you."

"Thank you ma'am." Naglakad na siya palayo kaya nagtungo na kami sa canteen. Agad kong nakita yung table namin dahil nasa bungad lang. Nauna na sila kasi kinausap pa kami. Hindi ugali ng mga 'to maghintay lalo na pag-gutom.

Tumabi ako kay Stazie at naupo naman si Nyx sa tabi ko. 'Yon na lang kasi ang bakanteng upuan.

"Oh, anong chismis?" Tanong agad ni Shine. May burger siyang hawak na parang pangalawa na kasi may wrapper na sa mesa.

"Wala naman, tinanong lang kami if interested kami sa student council." Kaswal kong sabi.

"Ay iba na ang level! Anong sagot niyo?" aniya bago kumagat ulit sa pagkain niya.

Melting FrostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon