"For this group project, your class will be divided into 6 groups with 5 to 6 members each. After the groupings, choose your leader then submit a 1/4 sheet of paper that contains your full names." Pinigilan kong mainis dahil 'di talaga ako natutuwa sa group projects. Okay lang sana kung walang pabigat, eh meron, sandamakmak pa. I prefer working alone kasi kontrolado ko ang oras ko pero 'pag group kasi, pwede silang maka-delay.Yes, it's harsh but it's the truth. Wala na akong magagawa do'n.
"Group 3. Mercedes, Crisostomo, Andrada, Vega, and Ortiz K." Matutuwa na sana ako kung wala yung Ortiz. Isa kasi siya sa mga toxic na kaklase ko. Kahit na isang buwan pa lang kaming magkakasama ay masasabi ko na toxic siya at napakaproblematic. Tropa 'yan ni Stella kaya hindi na rin ako nagtaka.
"The whole period is dedicated to this so maximize your time." Agad nagtayuan ang mga kaklase ko para pumunta sa groupings nila. Hindi na kami tumayo dahil majority ng members ng grupo namin ay nandito sa likod, sila na lang ang magadjust.
Umalis ako sa upuan ko at umupo sa lapag, tangahling tapat na ngayon kaya ang init ng hangin. Buti pa dito sa lapag, malamig-lamig ng unti.
"Pres," nag-angat ako ng tingin kay Nyx, nakaturo siya sa upuan ko na parang nanghihingi ng permiso. Tumango lang ako sa kanya, katabi niya si Kayla na himalang tahimik ngayon.
"Ew, nasa lapag, walang class." Biro lang pala. Nakangiwi pa siya na parang nandidiri sa pwesto ko ngayon.
"Ew epal, akala mo naman, siya meron." I fired back. Nagpigil ng tawa si Stazie at Jaz pero si Zeo ay napahalakhak. Hinampas siya ni Stazie para matigil dahil baka mapagalitan ang grupo namin. Umirap lang si Kayla na hindi na namin pinansin dahil wala siyang kwenta.
Si Stazie na ang ginawa naming leader dahil umayaw ako. Siya tuloy ang nageexplain ng gagawin at naghahati ng gawain. Dahil nabobore na ako ay kumuha ako ng panali sa bag ko. Hinati ko yung buhok ko sa gitna at ginawang bun yung isa. I started braiding the left side dahil mas nadadalian ako do'n.
Nang nasa kalahati na ako ng pag-braid ay napansin kong nakatingin si Nyx kaya tinaasan ko siya ng kilay. Tinuro niya yung buhok ko na nakabun kaso hindi ko maintindihan ang pinupunto niya. Kaya inakto niya yung kamay niya na parang nagbbraid...
"Marunong ka?" I mouthed, ayokong ma-interrupt si Stazie dahil bugnutin ang isang 'yon, may pagka-topak din. Tumango lang siya kaya tinapos ko muna yung braid bago umupo sa tapat niya. Hinayaan ko na siya ng yung magtanggal ng pagka-bun dahil siya naman ang nag-offer na maki-braid. In fairness, marunong nga siya. Mahigpit yung tali niya pero hindi masakit, parang sanay na.
"May kapatid ka ba ng babae?" I asked.
"Meron, mas matanda sa'kin."
"Kaya pala." I let him finished, nang nilahad niya yung kamay niya ay inabot ko sa kanya yung tali.
"Oy, kayong dalawa ano 'yang kaharutan na 'yan?" Saway ni Stazie.
"Hmm?"
"Naintindihan niyo ba sinabi ko kanina?" Tumango ako sa kanya.
"Saglit nga, bakit ang unti lang ng gagawin niya?" Reklamo ni Kayla habang nakaturo sa'kin. Napailing na lang ako dahil naaasar na ako sa kanya.
"Eh ano naman? Yung part niya kasi, nagrerequire ng analyzation at doon nakadepende mga sagot natin, kung mali siya ng interpretation, e'di mali lahat ng sagot natin," gigil na paliwanag ni Stazie. Inirapan lang siya ni Kayla at umalis sa kinauupuan.
BINABASA MO ANG
Melting Frosts
Teen FictionRina Mercedes is almost like a personified ice. She's insensitive, dense, and does not hold back her thoughts. She hardly gives a glance to people around her, aside from her family and friends. Nyx Andrada is her opposite- a soft flame. He's honest...