Frost 5

3 0 0
                                    




"Good morning," matamlay na bati ni Nyx, halatang inaantok pa.

"Good morning." Nagsimula na kami maglakad, medyo malakas yung hangin kaya itatali ko sana yung buhok ko kaso nung kinapa ko yung kamay ko ay walang nakasuot na panali. Sinubukan ko yung bulsa ko kung meron pero wala din. Ah bwiset.

Si Nyx kaya? Eh bakit naman siya magkakaroon ng panali eh hindi naman siya gumagamit no'n, pero wala naman masama kung ichecheck ko.

Hinawakan ko yung kamay niya at inangat, wala din naman.

"Oy, ano ginagawa mo?" Bigla atang nagising.

"Wala ka bang goma?" Tanong ko.

Nilahad niya yung isa niya pang kamay, at laking tuwa ko nang may makita ako do'n. Kinuha ko na 'yon at tinali ang buhok ko. Hay, much better.


"Nakatulog ka ba ng maayos? Mukhang antok na antok ka pa ah." Puna ko habang naglalakad.


"Medyo lang, naglaro ako kagabi eh," aniya at humikab pa.


"Pasaway, ayan tuloy."


"Concerned ka?" Nakangiti niyang tanong.


"Oo, as a friend," nakangisi kong sagot at naunang maglakad. 



Ilang minuto pa ay nakarating kami sa classroom, medyo maaga pa kaya wala pang masyadong tao sa loob. Ang naabutan ko do'n ay si Jaz kaso tulog naman, napansin ko na din yung bag ni Samara pero nasa labas ata at nakikipagchikahan sa ibang section. Nilagay ko yung bag sa gilid ng upuan ko bago ako umupo. Hindi ako nagdala ng libro ngayon kasi tinatamad ako. Nagkakaroon na rin kami ng mga long test at graded recitations kaya mas pinili kong magfocus do'n.


Mas marami nang pumapasok habang lumilipas ang oras. Ako naman ay sobrang naiinip na dahil wala akong magawa kun'di tumunganga. Gusto ko man kumain pero nirereserve ko 'yon para mamaya. Itong mga kaibigan ko naman ay busy kakabasa dahil alam ko ay may isang major long test kami mamaya.


Lunch na lang ako magrereview para mas fresh and information.


"Hoy," lumingon ako kay Samara nang tawagin niya ako. May ngiting nakaguhit sa labi niya per parang nangaasar ang dating.  Tinaasan ko lang siya ng kilay.


"May nakita ako kanina?" Natutuwa niyang sabi.


"Ah, gwapo na naman?" Walang gana kong tanong. Sa tagal na naming magkakilala, dalawang bagay lang ang tuwang-tuwa siyang ikwento - mga gwapong lalaki at pagkain.


"Hindi."


"Himala."


"Siraulo, ikaw ah, may kasabay hindi man lang nagkekwento," aniya at umirap pa.


"Ano naman ikekwento do'n, eh naglakad lang naman kami. May exciting ba sa paglakad?" Umasta siyang babatukan ako pero umiwas agad ako.


"Alam mo, napakapilosopo mo. Hindi mo naramdaman na parang ang saya-saya mo, yung parang butterflies sa tiyan, ha?"


"Ha? Ilan ba tinira mo kagabi at kung ano-ano lumalabas sa bibig mo?"


"Ay, puta..." Bulong niya pero alam kong sinadya niyang marinig ko. "Kayo ni Nyx!" Iritang bulong niya.


Melting FrostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon