Maaga pa nang makarating ako sa room. Hindi pa lalampas sa sampu ang bilang namin sa loob. May 30 mintues pa kasi bago magsimula ang klase. Tahimik akong naupo sa upuan ko sa likod at nagbasa ng libro na binili ko noong bakasyon.Ilang saglit pa ay dumating si Jaz. Nagtanguan lang kami bilang bati. Naupo siya at yumuko sa desk niya. Sigurado akong matutulog 'yan, mahilig magpuyat eh.
Tinigilan ko na ang pagbabasa nang medyo dumami kami. Nakarating na rin sila Stazie, Sanya, at Samara. Busy sila sa kanya-kanyang cellphone. Nagising din si Jaz dahil sa ingay. Isang linggo na rin ang lumipas mula nung pasukan kaya medyo close na yung iba naming kaklase.
"Nominations daw ng officers ngayon?" Tanong ni Stazie. Nilingon ko siya at nagkibit-balikat.
"Hindi naman ako nakikinig," kaswal kong sabi. Nailing na lang si Stazie, sanay na sa'kin.
Pumasok na ang adviser namin pagkatapos mag-bell at chineck ang attendance namin.
"Last Friday, I announced that nominations will take place today. You had a week to observe who among your classmates deserve to have a position." Nagkaroon ng bulongan sa buong klase. Malamang ay naghahanap na ng pwedeng ma-nominate.
"These rules shall apply: You can nominate 5 students for the positions of President, Secretary, and Treasurer. The student who gets the most votes, obviously, gets the spot. Now, the second-highest votes shall get the positions of Vice president, Asst. Secretary, and Asst. Treasurer. For the remaining positions namely, PRO, Auditor, Muse, and Escort, you should only nominate three students. Understood?"
"Yes, miss!" Hindi ako sumabay.
"Sino ino-nominate niyo?" Lumingon si Jaz sa'min. Nasa harapan ko kasi siya. Sa magkabilang gilid niya ay si Stazie at Shine. Nasa tabi ko naman sila Samara at Sanya.
"Wala. Hayaan na lang natin sila magnominate tapos iboto na lang natin kung sino deserving." Sumangayon sila sa sinabi ni Sanya.
"The nomination for Presidency is now open." Nagtaas ako ng kamay. May mas naunang natawag sa'kin kaya naghintay ako.
"I nominate Stella Raymundo for President." Kung tama ang alala ko, Kayla Ortiz ang pangalan nito at may kambal sa ibang section. Sinulat 'yon sa board ng adviser namin. Tumayo ako nang ituro niya ako.
"I nominate myself, Rina Mercedes." Tinignan ako ng guro namin na parang isang interesanteng bagay.
"May I ask why?" May maliit na ngiti sa labi niya. Sa nakikita ko, she has clean intentions and her question is just out of pure curiosity and interest.
"For experience."
"Very well..." Humarap siya sa board at sinulat ang pangalan ko. Naupo ako at nakatanggap ng hila sa buhok. Kunot noo akong lumingon kay Samara.
"Seryoso ka do'n?" Tumango lang ako.
"Bakit gusto mo?" Tanong naman ni Stazie.
"Experience nga lang. Wala namang mawawala so might as well try it." Partly, 'yon ang rason. Tinopak lang ako kaya gusto kong masubukan. Hindi naman ako umaasa na manalo pero mas maganda kung 'yon nga ang mangyayari.
BINABASA MO ANG
Melting Frosts
Teen FictionRina Mercedes is almost like a personified ice. She's insensitive, dense, and does not hold back her thoughts. She hardly gives a glance to people around her, aside from her family and friends. Nyx Andrada is her opposite- a soft flame. He's honest...