Prologue

4 0 0
                                    





High School.

Sinong magaakala na sobrang bilis lumipas ng panahon? Parang kahapon lang ay nasa nursery pa ako at sa isang pitik ay graduate na ako ng elementary. Parang kahapon lang ay naglalaro pa ako ng bahay-bahayan at manika, ngayon ay halos wala na akong interes sa mga bagay na 'yon.

Parang dati lang ay pwede pa akong matulog kahit anong oras ko gusto kasi 'di ko kailangan alalahanin ang pasok kinabukasan. Hindi ko maiwasang isipin na sa isang iglap ay pwedeng magbago ang lahat. Yung mga nakasanayan ay malilimutan na lang.

Friendship.

Mapili ako sa kaibigan. Hindi ako basta-basta nakikipagkilala sa kung sino-sino. Mahirap kasi para sa'kin na makihalubilo sa iba, lalo na't hindi ko nga mga kilala. Pero swerte ako na nagkaroon ako ng mga tapat na kaibigan.

Kaunti man ay sigurado akong mananatali sa tabi ko. Aanhin ko ang napakarami na kaibigan kung wala namang mananatiling totoo sa'kin? Mukha naman akong tanga no'n.

Crush.

Ano 'yon? Sa halos sampung taon kong pag-aaral ay hindi ako nagkaroon ng gan'yan. Hindi man kapani-paniwala pero totoo 'yon. Marami akong kaklase na may gan'yan daw. Yung iba nga ay parang uod na sinabuyan ng Zonrox kapag nakikita ang crush. Marami rin na sobra mag-effort, yung may pa letter at pagkain pa.

Ang mga kaibigan ko ay gano'n din. Kulang na lang ay itanggi ko na kilala ko sila kapag naglulupasay na sila sa kilig. Nakakahiya pagmasdan pero natutuwa ako 'pag nakikita silang gano'n. Mukha talagang tanga.

Normal pa ba ako sa lagay na 'to? Bakit 'di ko maramdaman 'yon? Minsan napapaisip din ako, tao ba ako? Bakit wala akong makita?

Sobrang weird talaga dahil para sa iba, ang dali nilang makahanap. Nakalistahan pa! Pero ako, mula nang namulat ang mata ko sa crush na 'yan, wala talaga akong mapantasyahan. Pinipilit ko ang sarili ko na maghanap pero wala talaga!

Alam 'yon ng mga kaibigan ko kaya ang bansag nila sa'kin ay yelo, madalas ay Frost dahil sinasabi nila na manhid daw ako kaya wala akong maramdaman na paghanga sa ibang tao.

Dahil mukha namang totoo ang sinasabi nila ay 'yon na ang tumatak sa utak ko. Pero naiisip ko pa din, ang yelo natutunaw. Ako kaya, kailan?


————————————————-

Melting FrostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon