Frost 8

1 0 0
                                    







"Nyx! Pa-distribute." Tawag ko sa kanya at tinuro yung math journals na nasa lapag. Kinuha ko yung science journals at sinimulan ipamigay.


"Free time ba?"


"Oo ata, kasi hindi ko naman nakita si sir kanina sa faculty."


Nang matapos kong ipamigay yung journal ay bumaba ako sa faculty para i-check kung may kailangan kaming gawin. Nang wala akong makita sa taas ng table niya ay umakyat ulit ako sa floor namin. Itatanong ko na lang sa president ng klase niya kung may iniwan siyang activites para sa amin.


Binuksan ko yung pinto ng room namin at sakto naman na nakatingin sa direksyon ko si Nyx kaya sinenyasan ko na lang siyang lumapit.


"Ano advisery ni sir?"


"D'yan sa tapat." Shit, si Stella president do'n. Hay, bahala na nga.


"Gusto mo ba ako na kumuha?" Umiling ako.


"'Di na, thanks." Sana maging professional na ang isang 'to at hindi na magpaka-immature. Pero malabo mangyari kasi wala din silang teacher. Bahala na si Batman, kaya ko naman siya.


Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto, "Excuse me, may I speak with the president?" Nakita ko pang kumaway si Samara, Stazie at Jaz. Nasa ibang section naman sila Shine at Sanya habang ako yung nasama sa tatlong lalaki.




"What if don't want to?" Naka-krus ang mga braso ni Stella at nakatayo. Natigili naman sa pagdadaldalan yung iba pa niyang kaklase dahil sa sinabi niya.


"Well, it just proves how unworthy you are for the position. So, what now? Are you going to professionally speak with me?" Pumasok ako sa loob at sumandal sa pader katabi ng pinto.


"You are not qualified to judge my worth as president."


"Point taken, but you don't seem qualified for how you are acting now. Anyway, you don't deserve my time, so did sir leave any activities for my section?" Napahagikgik yung iba at halatang nagpipigil na tumawa ng malakas yung mga kaibigan ko.

"Check the table for a post it note." Umirap pa muna siya bago umupo.

"Not so hard, right?" Lumapit ako sa table at chineck kung may note pero wala naman. "Anyway, thank you." Lumabas na ako sa room nila at bumalik sa section ko.

"Walang activity na iniwan so free time. Sleep and talk all you want,  for the hell I care, just tone it down. Good?" Nag-thumbs up ang karamihan kaya bumalik na ako sa upuan ko at yumuko sa desk. Finally, some rest.


"Pres, hinahanap ka nila Samara sa baba."


"Bakit daw?" Niligpit ko yung baunan ko at uminom ng tubig.


"Hindi ka raw nagoonline, nagmessage daw sila sa gc."


"Yung lahat ba tayo?" Tanong ko kay Nyz. Tumango siya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.


"Pahiram phone, wala akong data." Nilahad ko ang palad ko sa harapan niya.


"Wait." May kung ano siyang ginalaw sa phone niya at inabot sa'kin.


"Add mo fingerprint mo."


Napakunot ako ng noo, "sure ka?"


"Yup."


"Okay," nilagay ko yung fingerprint ko at nung nasave na ay pumunta ako sa chats. Bawal dapat phone pero 'pag magaling kang magtago, pwede na. Nagback read ako kung saan nakamention yung pangalan ko.


Melting FrostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon