"Good morning ma'am! May you please excuse the class president? Thank you!"
"Good morning sir! May you please excuse the class president? Thank you!"
"Good morning sir! Pwede po ba makausap ang class president? Thank you!"
Tang ina, may uulit pa ba? Nakakapagod ma-excuse ng paulit-ulit ah. Sa tatlong beses na tinawag ako ay puro announcement lang naman. Mga dagdag assignment para sa ngayon, yung iba ay nagbibigay ng handouts na kakailanganin sa lecture kinabukasan. Kaya kapag aalis ang teacher ay automatic na ididistribute ko yung mga papel. Buti nga ay madali silang pakisamahan at hindi magulo. Pero 'di ko sigurado kung 'yon nga ang dahilan.
Pansin ko rin kasi ay ilag ang iba kong kaklase sa'kin. Kapag may gusto silang sabihin o itanong, pinapadaan pa nila kay Stazie at Sam. Base sa pagkakaalala ko, wala pa naman akong kagaguhan na ginawa sa kanila, kaya nagtataka ako kung bakit iwas sila. Pero hindi ko na dapat isipin 'yon kasi may iba pang bagay ang kailangan ng atensyon ko.
"Pres, kulang ng dalawang papel dito." Bumalik ako sa pinakaunang row at inabot ang dalawang papel.
"Sino pa kulang o may sobra?" Tanong ko sa buong klase, para naman silang natuod lahat. Kumunot ang noo ko at naghintay, nang maputol ang pasensya ko ay bumalik ako sa upuan ko at nilagay ang extra copies sa file organizer sa bag ko. President na nga, taga-tago pa ng extrang papel. Very nice
"Natakot ata sa'yo," bulong ni Samara sa'kin. "Ayusin mo kasi 'yang tono mo, para kang naghahamon ng away dahil masyadong matapang yung dating. Try to be more gentle and sound kind." May mga action pa siyang ginawa sa kamay niya na parang pinapakalma ako.
"Alam mo, isa ka ring abnormal eh, 'no?"
"Oh ano na naman?"
"Anong gentle gentle? Baka nakalimutan mong hindi ko alam ibig sabihin no'n." Umiling ako sa kanya dahil sa disappointment.
"Ay oo nga pala 'no? Eh, basta! Wala naman masama kung susubukan mo diba?" Dagdag pa niya.
"Ayoko, tapos." Maikli kong sabi dahil ayoko nang humaba ang usapan.
"Taray mo talaga," aniya at akto pang kokotongan ako kaya sinamaan ko siya ng tingin. Binaba niya ang kamay niya at umayos ng upo. Nang maglunch time, kinuha ko yung baunan ko at nagsimulang kumain.
"Sino sasama sa inyo?" Tanong ni Samara habang nagsusuklay ng buhok.
"Ako," sagot ni Sanya at Stazie.
"May ipapsabay ba kayo?" Tanong ni Samara sa'min ni Jaz. Umiling lang ako sa kanya at tinuliy ang pagkain. Tumango lang siya at lumabas ng room. Nang maubos ko ang pagkain ko, sinimulan kong basahin yung handout at nag-highlight. Sa bahay ko na lang isusulat sa notebook ko para mas madali tignan. Kalaunan, bumalik yung tatlo at nagsimula na din kumain.
"Jaz, sayang 'di ka sumama. May gwapong batchmate kaming nakita." Natutuwang sabi ni Sanya. Napailing na lang ako, wala naman nagbago sa kanya.
"Batchmate? Eh dito lang sa room meron na eh." Inosenteng sagot ni Jaz. Napakunot ang noo namin dahil do'n.
"Ay true!" Mas lalo kaming nagulantang nang mag-agree si Sanya at Samara. Nang ma-realize nila ay napahalakhak ako. Iba talaga 'pag nahuhuli ng sariling bibig.
"Ang tanga niyo," asar ko sa kanila at ngumisi ng nakakaloko. Umirap lang sila at hindi na dumepensa dahil alam nilang nadulas sila. Mas lalo ko lang rin silangaasarin kung sumagot pa sila.
BINABASA MO ANG
Melting Frosts
Teen FictionRina Mercedes is almost like a personified ice. She's insensitive, dense, and does not hold back her thoughts. She hardly gives a glance to people around her, aside from her family and friends. Nyx Andrada is her opposite- a soft flame. He's honest...