I Warlock Fight part 2 I

10.4K 350 10
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!





KABANATA VIII

Third Person's POV

Sa gitna ng malawak na kapatagang nababalot ng makakapal na damuhan ay dire-diretsong tumilapon ang katawan ng dalaga matapos salagin ang napakalakas na atake ni Lord Gallore.

Halos ilang metro rin ang layo ng kanyang narating bago tuluyang gumulong sa lupa. Kumalat sa paligid ang alikabok at mga tuyong damo habang bahagyang umugong ang lupa sa lakas ng naging banggaan ng kanilang mahika.

"Mmph..." Napangiwi siya sa kirot nang maramdaman ang matinding sakit sa kanyang dibdib.

Pilit siyang bumangon, ngunit pagdapo pa lamang ng kanyang tuhod sa damuhan ay tuluyan nang bumulwak ang dugo mula sa kanyang bibig.

"Urgh..." Tumulo ang mapulang likido ng kanyang dugo sa berdeng damo na nasa kanyang ilalim.

Hindi naman gaanong masakit ang pagbagsak niya sa lupa. Ang tunay na pinsala ay nagmula sa mismong mahikang tumama sa kanyang katawan. Ramdam niya ang tila pagyanig ng bawat buto at ugat sa loob ng kanyang dibdib.

Sa di kalayuan ay tahimik lamang siyang pinagmamasdan ni Lord Gallore.

Nakasandal lamang ito sa kahoy nitong tungkod na tila walang anumang nangyari.

"Mmm..." Bahagya nitong iniling ang ulo. "Mukhang may kaunti kang ibubuga ngayon." Punong-puno ng pang-aasar ang tono ng kanyang boses.

Dahan-dahang pinunasan ng dalaga ang dugong dumaloy sa gilid ng kanyang labi bago siya tuluyang tumayo. Hindi niya inalis ang matalim na titig sa matandang iyon.

"Tss..." Mahina siyang suminghal at mahinang tumawa matapos idura sa kanyang gilid ang naipong dugo sa kanyang bibig.

Walang kahit katiting na pag-aalala ang makikita sa mukha ni Gallore. Para bang isa lamang itong simpleng ensayo at hindi totoong laban.

Mas lalong uminit ang dugo ng babae. Tahimik niyang hinubad ang sirang itim na balabal na halos mapunit na dahil sa sunod-sunod nilang banggaan. Walang pag-aalinlangang ibinagsak niya iyon sa damuhan.

"That's much better." Bahagya niyang iniunat ang kanyang mga balikat at leeg.

Nang mawala ang makapal na tela ay tuluyang lumitaw ang mga simbolong nakaukit sa kanyang balat.

Mula sa kanyang magkabilang pulso ay gumapang ang matingkad na kulay lilang hanggang sa kanyang mga balikat at leeg. Unti-unting lumiwanag ang bawat marka.

Kasabay noon ay nagbago rin ang kulay ng kanyang mga mata.

From deep brown... to a brilliant shade of glowing purple.

Humugot siya ng malalim na hininga. Ramdam niyang muli ang pagdaloy ng kapangyarihan sa bawat ugat ng kanyang katawan.

"Let's begin again..." Mahina siyang napangisi. "...shall we?"

Hindi na niya hinintay ang sagot ng matanda. Sa isang iglap ay naglaho siya sa kanyang kinatatayuan.

Boom!

Bumulwak ang lupa sa lakas ng kanyang pagtalon. Sa loob lamang ng isang segundo ay nasa ere na siya, halos isang metro na lamang ang layo kay Lord Gallore.

Mabilis niyang iniikot ang katawan habang itinataas ang kanang kamay. Kasabay ng galaw na iyon ay sumunod ang kanyang latigong yari sa purong mahika.

Whoosh!

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon