I Good Coven I

8.3K 291 7
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!





KABANATA XIII

Third Person's POV

Hindi namalayan ni Everly ang marahang pag-ikot ng doorknob sa likuran niya. Sobrang nakatuon ang buong atensyon niya sa napakalaking painting na nakasabit sa dingding kaya hindi na niya narinig ang mahinang paglangitngit ng pintuan nang bumukas iyon.

Nanatili siyang nakatayo sa kanyang kinatatayuan, tuluyang nabihag ng larawang nasa harapan niya.

At nang tuluyan siyang lumingon diretso niyang nakasalubong ang pares ng matang puno ng pagkabigla. Si Manang Linda.

Pareho silang natigilan. Walang isa mang nagsalita. Tila ba parehong sinusubukang unawain ng dalawa ang sitwasyon.

Unti-unting lumipat ang tingin ni Linda mula sa mukha ni Everly patungo sa painting na kanina pa nito pinagmamasdan. Ilang segundo itong nanahimik bago marahang napabuntong-hininga, na para bang matagal na nitong inaasahan na darating din ang oras na ito.

Tahimik itong pumasok sa loob ng silid at isinara ang pinto sa likuran. Samantala, nanatiling nakatayo si Everly, hindi alam kung ano ang dapat sabihin o gawin.

Pakiramdam niya ay nahuli siya sa isang bagay na hindi niya dapat nakita. Lalo na nang mapagtanto niyang ang babaeng nasa painting...

...ay kamukhang-kamukha niya.

"So... you already found out." Basag sa katahimikan ang mahinang tinig ni Linda. Hindi maintindihan ni Everly ang ekspresyong nasa mukha nito.

Hindi niya alam kung galit ba ito dahil pinasok niya ang silid nang walang pahintulot o nalulungkot dahil sa kanyang nadiskubre.

"Hindi ko inaasahang ganito kabilis mong madidiskubre ang ibig kong sabihin." Mas lalo lamang yumuko si Everly.

"P-Patawad po, Manang..." Mahigpit niyang naikuyom ang laylayan ng puting bestidang suot niya.

"Hindi ko sinasadyang pumasok rito. Akala ko... isa lang itong ordinaryong silid." Nanatiling tahimik si Linda. Hindi niya halos maialis ang tingin sa mukha ng dalaga.

Sa bawat segundong lumilipas, mas lalo niyang nakikita ang mukha ng dating Luna.

Parang muling bumalik sa harapan niya si Camellia.

Hindi...

Napailing siya. Mas madilim nang bahagya ang kulay ng mata ni Everly, at mas matalas ang mga linya ng kanyang mukha.

Kung si Camellia ay parang diyosang banayad at puno ng init...

Si Everly naman ay tila isang bulaklak na ilang ulit nang nasugatan ng mundo ngunit patuloy pa ring namumulaklak.

Napabuntong-hininga si Linda.

Mahirap mang aminin ngunit sa unang tingin pa lamang ay halos walang sinuman ang makakapansin ng pagkakaiba nilang dalawa.

Tahimik siyang naglakad patungo sa nakabukas na bintana. Hindi namalayan ni Everly na kusang sumunod ang kanyang mga paa. Pareho silang tumingin sa madilim na kagubatang nakapalibot sa mansyon.

Tahimik ang gabi. Tanging malamig na simoy ng hangin at ang liwanag ng bilog na buwan ang bumabalot sa paligid.

Hindi maintindihan ni Everly kung bakit tila may kakaibang kapanatagan siyang nararamdaman habang nakatingin sa buwan.

Para bang may malamig ngunit nakaaaliw na enerhiyang dumadaloy sa kanyang buong katawan. Tahimik silang nanatili roon sa loob ng ilang minuto bago muling nagsalita si Linda.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon