I Dark Palace I

10.7K 336 2
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!





KABANATA VIII

Third Person's POV

"No..."

Mahinang usal ng babae habang walang buhay na nakatitig sa dugong unti-unting tumutulo mula sa kanyang labi. Bumagsak ang ilang patak nito sa tuyong lupa, agad namang nilamon ng nagliliyab na init ng paligid.

Mariin niyang kinuyom ang kamao.

No... I can't lose. Not again.

Iyon lamang ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isip.

Napapikit siya nang mariin bago muling iminulat ang kanyang mata. Kahit nanlalabo na ang kanyang paningin ay pilit niyang itinaas ang ulo upang titigan ang lalaking nakatayo ilang metro ang layo.

Lord Gallore.

Nananatili pa rin ang nakakainis na ngisi sa mga labi nito, para bang wala silang naging laban ilang sandali lamang ang nakalipas.

Pakiramdam niya ay bawat hibla ng kalamnan sa kanyang katawan ay sumisigaw na sa pagod.

"Sorry about that." Kalmadong usal ng matanda habang pinagpapag ang laylayan ng kanyang kasuotan. "But then... I have to go now."

Marahan itong tumingin sa kalangitan bago muling ibinalik ang tingin sa kanya.

"I still have an important meeting to attend." Nagsimula itong maglakad papalapit. Unti-unti. Kalma. Punong-puno ng kumpiyansa.

Samantalang ang bawat hakbang nito ay tila lalo lamang nagpapabigat sa dibdib ng babae.

Hindi. Hindi pa siya tapos. Pilitan niyang itinukod ang isang kamay sa lupa upang ibangon ang sarili.

Kahit nanginginig ang kanyang mga binti. Kahit pakiramdam niya ay mababasag na ang bawat buto sa kanyang katawan.

Hindi siya susuko. Ngunit bago pa man siya tuluyang makatayo—

BOOM!

Biglang dumagan ang isang napakalakas na pwersa sa kanyang katawan.

"Agh!" Muling bumagsak ang kanyang tuhod sa lupa. Parang may bundok na dumagan sa kanyang balikat.

Hindi niya maigalaw kahit isang daliri.

"Shit..." Mahina niyang mura habang pilit nilalabanan ang mahiwagang pwersang pumipigil sa kanya.

Ngunit wala siyang magawa. Sa isang iglap ay naramdaman niya ang malamig na kamay ni Lord Gallore na humawak sa likod ng kanyang ulo.

Mahigpit. Napakahigpit.

"Ahh!" Napangiwi siya nang walang pag-iingat nitong hinablot ang kanyang buhok.

Napilitan siyang itingala ang mukha upang magtama ang kanilang mga mata. Kahit ganoon ay hindi siya umiwas.

Nanatili siyang nakatitig dito nang puno ng galit. Bahagyang natawa ang matanda.

"Kung ako ikaw..." malamig nitong sambit, "... ay susuko na lamang ako." Mas humigpit ang hawak nito sa kanyang buhok.

"There's no chance someone like you could ever beat me." Pagkasabi noon ay bigla nitong binitawan ang kanyang buhok.

Napasalampak muli ang babae sa lupa.

"Khh—!" Sunod-sunod siyang napaubo. Kasabay noon ang muling pag-agos ng dugo mula sa kanyang bibig.

Humalo iyon sa alikabok sa ilalim niya. Tahimik lamang siyang huminga habang pilit na ibinabalik ang sariling ulirat.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon