Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XI
Everly's POV
Ilang minuto pa lang ang lumilipas mula nang makita ko ang sarili ko sa salamin, pero pakiramdam ko ay ilang oras na akong pabalik-balik sa loob ng kwarto. Halos mabutas ko na ang sahig sa kakalakad dahil sa sobrang kaba at pagkalito.
That woman is not me... definitely not me. Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko, umaasang kapag inulit ko nang sapat na beses ay magiging totoo ulit ang dating ako.
"Argh!" Mahina akong napasigaw habang madiing kinakagat ang aking hinlalaking kuko. Hindi ko namalayang napalakas pala ang pagkakakagat ko hanggang sa malasahan ko ang bakal na lasa ng dugo. Agad kong inilayo ang kamay ko at napatitig sa maliit na sugat na ginawa ko.
Hindi ko na alam kung ano ang mas masakit—ang sugat sa daliri ko o ang katotohanang hindi na ako ang babaeng nakikita ko sa salamin.
Mahigpit kong ikinuyom ang aking mga kamao habang pilit binabalikan ang bawat nangyari kagabi.
Ang puting lobo. Ang mahiwagang boses. Ang nakakasilaw na liwanag...
At ang mga salitang sinabi nito.
"The soul and memory of Lady Weresfia have been imprisoned within you."
Unti-unting gumuho ang huling pag-asang pinanghahawakan ko. Hindi pala panaginip ang lahat.
Totoo ang nangyari.
Napabuga ako ng mabigat na buntong-hininga habang napapikit. Kanina nga ay muntik ko pang mabasag ang salamin sa sobrang pagkabigla. Dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, hinila ko iyon palapit sa akin nang hindi iniisip na nakakabit pa pala iyon sa dingding.
Hindi ko namalayang napakawalan ko ang hawak ko nang umatras ako sa sobrang gulat. Bumagsak ang salamin sa sahig at nabasag ang isang gilid nito.
"A-Anong gagawin ko...?" mahina kong usal habang walang awang sinasabunutan ang sarili kong buhok.
Nanghihina akong napaupo sa gilid ng kama. Pakiramdam ko ay hindi lang mukha ko ang nagbago.
Ang aking magaspang na balat ay malambot ko ng nararamdaman na tila naging isang normal na balat ng dalaga. Mas magaan din sa pakiramdam ang aking katawan.
Pati ang buhok ko... ibang-iba ang pakiramdam kapag hinahawakan ko. Parang hindi ito akin. Para bang may ibang tao na unti-unting pumalit sa pagkatao ko.
At iyon ang pinakanakakatakot.
Paano ko ipapaliwanag ito kay Manang? Sigurado akong matatakot siya. Baka isipin niyang isa akong impostor.
O mas malala ay baka hindi niya ako makilala. Napailing ako.
That wolf...
Sigurado akong may kinalaman ang nilalang na iyon sa lahat ng ito.
Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili bago muling tumayo. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko habang naglalakad pabalik sa basag na salamin.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nandoon pa rin siya.
Ako. O... ang bago kong anyo. Kahit basag ang salamin, malinaw ko pa ring nakikita ang repleksyon ko.
Mariin akong napapikit. Ayokong tanggapin. Pero habang mas matagal ko siyang tinitingnan, lalo kong napagtatanto ang katotohanan.
Ako nga iyon.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
