Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XIV
Third Person's POV
Alam niyang halos imposibleng lokohin ang lalaking nasa harapan niya. Lalo pa't siya mismo ang Alpha ng Moonstone Pack.
"Uhm... Ijo..." Nag-alinlangan siya. Sinubukan niyang isa-isahin sa isip ang lahat ng nangyari.
Iniwan niya si Everly kanina sa sikretong kwarto.
Maayos. Ligtas. At... nasa bago nitong anyo. Ngunit pagbalik niya ay natagpuan na lamang niya itong walang malay sa sahig.
At higit sa lahat... bumalik na ito sa dati nitong anyo—bumalik ang mga sintomas ng sakit sa katawan nito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung paano nangyari ang lahat ng iyon. At sa palagay niya...
Tanging si Everly lamang ang makasasagot sa napakaraming tanong na umiikot ngayon sa kanilang isipan.
"Like what I said a while ago... wala talaga akong ideya kung anong nangyari, ijo." Mahinang usal ni Linda habang pilit pinananatiling matatag ang kanyang boses. "Nadatnan ko na lamang siyang walang malay sa sahig ng kwartong ito."
Tahimik na napabuntong-hininga ang matanda sa kanyang isipan nang mairaos niya ang kasinungalingang iyon nang hindi nauutal.
Wala na siyang ibang magagawa.
Kung mayroon mang makapagpapaliwanag sa lahat ng nangyari, si Everly lamang iyon.
Hindi na niya kayang dagdagan pa ang mga kasinungalingang binibitawan niya sa Alpha. Pakiramdam niya'y unti-unti nang bumibigat ang kanyang konsensya sa bawat salitang inililihim niya sa lalaking itinuring niyang parang sariling anak.
Nanatiling tahimik si Greyson. Hindi nito agad sinagot ang sinabi niya.
Sa halip ay ibinaba lamang nito ang tingin sa maputlang mukha ni Everly, saka marahang huminga. Mahabang katahimikan ang bumalot sa buong silid.
Hanggang sa tuluyan itong tumayo.
"I have to go back to the pack," malamig ngunit halatang pagod nitong saad. "Take care of her for now. I'll be back later." Hindi na ito naghintay pa ng anumang sagot.
Sa isang iglap ay nagliwanag ang warlock symbol sa kanyang katawan bago tuluyan siyang naglaho sa loob ng silid.
Nanatiling nakatitig si Linda sa lugar kung saan ito huling nakatayo. Hindi niya maiwasang mapansin ang bahagyang pag-aalinlangan sa mga mata ng Alpha bago ito umalis.
Para bang may gusto pa itong sabihin. O may gusto pa itong malaman. Ngunit pinili nitong pigilan ang sarili.
Marahan siyang napabuntong-hininga.
"Salamat..." mahina niyang bulong sa sarili. Kahit paano ay nalusutan nila ang pagkakataong iyon. Lumapit siya sa kama at naupo sa pwestong kanina lamang ay inuupuan ni Greyson.
Marahan niyang hinawakan ang kamay ni Everly. Mainit na ito. Bumalik na ang normal nitong temperatura. Hindi napigilan ni Linda ang maliit na ngiting namuo sa kanyang labi.
Sa kakaunting oras na naroon si Greyson, ipinakita nito ang isang ugaling matagal na niyang hindi nasasaksihan. Unti-unting bumalik sa kanyang alaala ang masasayang panahong kasama pa nila sina Alpha Marcus at Luna Camellia.
Mga panahong puno ng tawanan ang mansyon. Mga panahong hindi kailangang itago ng Alpha ang pagmamahal nito sa asawa.
Naalala niya kung paano halos mabaliw sa pag-aalala si Marcus sa tuwing inaatake ng kanyang sakit si Camellia. Hindi nito inaalis ang kamay sa Luna hanggang sa humupa ang bawat kirot.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
