I First Transformation I

10.6K 322 16
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!





KABANATA X

Everly's POV

I am currently sitting in the middle of the lovely abandoned garden, quietly admiring the breathtaking scenery in front of me.

Kahit halatang ilang taon nang walang nag-aalaga sa lugar na ito, hindi iyon naging dahilan para mawala ang ganda nito. In fact, parang mas lalo pa ngang naging misteryoso at kaakit-akit ang buong hardin.

Wild vines had already climbed over the old marble arches, while colorful flowers bloomed freely in every direction as if nature itself had claimed this place as its own.

The gentle breeze danced through the trees, carrying the sweet fragrance of blooming flowers.

Napangiti ako nang mapako ang tingin ko sa kumpol ng pulang rosas na nakatanim malapit sa lumang fountain. Those roses instantly became my favorite. It was my first time seeing so many of them blooming together.

Naalala ko tuloy ang maliit na hardin sa mansion ni Ama.

Noon, hanggang tanaw lang ako mula sa bintana ng aking silid. Hindi ako pinapayagang lumabas para puntahan iyon. Sa katunayan, bilang lang sa daliri ang mga bahagi ng mansion na maaari kong puntahan.

Palagi akong nakakulong sa iisang kwarto, habang ang mundo sa labas ay nananatiling isang bagay na hanggang pangarap ko lang mararanasan.

Maybe that's why this place feels so special. For the first time... I could admire a garden without anyone stopping or gossiping around me.

"Ija?" Napalingon ako sa direksyong pinanggalingan ng pamilyar na boses. Nakita ko si Manang na nakatayo ilang metro ang layo habang may banayad na ngiti sa kanyang labi.

Agad din akong napangiti bago marahang tumayo mula sa damuhan at pinagpag ang laylayan ng aking bestida.

"I've been looking for you," she said softly.

"I'm sorry, Manang." Mahina akong natawa. "Hindi ko namalayan ang oras." Truth be told, buong araw na akong nandito.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit, pero kapag nandito ako ay tila unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko. The peaceful scenery somehow silences the chaos inside my mind.

Pero kahit gaano kaganda ang paligid ay hindi pa rin tuluyang mawala sa isip ko ang bangungot kagabi. The horrifying images continued replaying over and over inside my head.

The burning forest. The lifeless bodies.

The blood. The screams.

Every time I blinked, para bang naroon na naman ako sa gitna ng lugar na iyon.

Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking damit. I still couldn't understand why that nightmare felt so real.

Isa pa sa labis kong ikinalungkot ay ang paggising ko kaninang umaga nang wala na sina Greyson sa mansion. Ni hindi ko man lang siya napasalamatan.

Hindi ko man lang nasabi kung gaano kalaki ang naitulong ng pananatili niya sa tabi ko kagabi.

If he hadn't stayed... I don't think I would've survived the rest of that night. Somehow, I knew his magic had something to do with the peaceful sleep I had afterward.

At hindi ko rin maintindihan kung bakit sa tuwing naaalala ko iyon. A small smile unconsciously appears on my lips.

"You look happier today."

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon