I Nightmare I

11K 376 4
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!



KABANATA VI

Everly's POV

Everything was dark.

Ngunit hindi iyon ordinaryong dilim lang na nakikita kapag pinapatay ang ilaw ng silid. Iyon ay mas malalim at tila may bigat na dulot. Tila kahit ang liwanag ay matatakot na lumapit doon.

I slowly opened my eyes. Agad akong napakunot-noo nang mapagtantong hindi na ako nakahiga sa malambot na kama. Sa halip ay nakatayo na ako sa gitna ng napakalawak na kagubatan.

I could feel the cold wind brushing against my skin. Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ang kakaibang lamig na tila tumatagos hanggang sa aking mga buto.

Hindi iyon normal na lamig. It was the kind that made every inch of my body scream that something was terribly wrong. My eyes started to wander around.

Towering trees surrounded me from every direction. Ang mga puno ay napakatataas na halos hindi ko na makita ang kalangitan. Ang mga sanga nito ay tila magkakabit-kabit, parang mga kamay na pilit akong ikinukulong sa lugar na iyon.

"N-Nasaan a–ako.." Mahina kong usal. Ngunit walang sumasagot.

Not even the chirping of insects. Not even the sound of leaves dancing with the wind. Everything was...

Silent. Too silent.

Parang ang buong mundo ay tumigil sa paghinga. I took a cautious step forward.

Crunch.

Naibaba ko ang aking tingin sa aking mga paa nang marinig ang tunog. Dead leaves.

Maraming tuyong dahon ang nakakalat sa lupa. I swallowed.

"Panaginip..." Mahina kong bulong habang pilit na pinapakalma ang aking sarili. "This is just a dream." I knew it.

Alam kong nasa nananaginip ako. Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ako ng kakaibang panaginip. Pero...

This one felt different. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Ramdam ko pa rin ang malamig na hangin. Naamoy ko na rin ang mamasa-masang lupa.

Rinig na rinig ko ang bawat yabag ng aking paa sa tuyong mga dahon. Even my own heartbeat echoed inside my ears.

It was... Too real. Mas lalong kumunot ang aking noo.

"I need to wake up..." Mahina ko na lamang bulong sa aking sarili. Sinubukan kong pisilin ang aking braso. "Aray.." napasinghap na lamang ako dahil sa sakit.

How could it hurt? Panaginip lang ito... Hindi ba?

Unti-unting bumilis ang tibok ng aking puso. "No..." Hindi na ako komportable sa aking nararamdaman.

May kung anong mabigat na pakiramdam ang unti-unting bumabalot sa aking dibdib.

Para bang... May nagmamasid sa akin. Then slowly looked behind me.

Nothing. Empty forest.

Napabuntong-hininga na lamang ako. "I'm just imagining things." I tried convincing herself. Ngunit...

CRACK.

Nanigas ang buo kong katawan. May nabaling sanga–ngunit iyon mula sa aking kinatatayuan.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon