I The Painting I

8.4K 289 13
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!





KABANATA XII

Third Person's POV

Sa kabutihang palad, matiwasay namang nagsimula ang pagpupulong noong araw na iyon. Nang tuluyang pumasok si Beta Jake sa conference room, agad siyang napahinga nang maluwag.

Looks like Greyson was able to hold himself back.

Mabilis niyang inilibot ang tingin sa malawak na silid bago ito huminto sa lalaking nakaupo sa pinakagitna ng mahabang mesa.

Sa mismong upuan ng Alpha.

Sa upuang iyon palaging nakaupo si Greyson sa tuwing may pagpupulong, ang upuang ngayon ay nararapat na sa kanya bilang bagong Alpha ng pack.

Hindi maiwasang maalala ni Jake ang dating Alpha, si Marcus.

Parehong-pareho sila ng anak nito.

Hindi lamang sa kanilang mukha, kundi maging sa paraan ng pag-upo. Pareho silang kalmadong nakasandal kahit napapalibutan ng mga taong gusto silang pabagsakin. Pareho rin ang dignidad at nakakatakot na presensyang dala ng kanilang tindig—parang ipinapakitang walang sinuman ang maaaring magpatumba sa kanila.

Ngunit nang ilipat niya ang tingin sa kabilang dulo ng mesa, agad nawala ang bahagyang ginhawang naramdaman niya.

Naroon si Gamma Dave.

Mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao nito habang nakatitig kay Greyson na para bang gusto na nitong sugurin ang Alpha anumang oras.

Napabuntong-hininga si Jake.

Hindi niya man nasaksihan ang nangyari bago siya dumating, sapat na ang nakakamatay na titig ni Dave upang malaman niyang nagkaroon na ng matinding sagutan ang dalawa.

Tahimik siyang naglakad patungo sa tabi ni Greyson at tumayo roon bago umupo sa nakalaang upuan.

"Glad you didn't burn the whole mansion down," mahina niyang biro.

Ngunit hindi man lang siya nilingon ni Greyson. Nananatiling nakapako ang malamig nitong mga mata sa pintuan ng conference room. Parang hinihintay ang susunod na problema.

At hindi siya nagkamali. Biglang bumukas nang malakas ang dobleng pinto.

Bang!

Umalingawngaw ang ingay sa buong silid.

"Alpha!" Sabay-sabay na napalingon ang lahat. Nakatayo sa pintuan ang dating Gamma, si Eduardo.

Namumula ang buong mukha nito sa matinding galit. Mabilis namang tumayo si Dave upang harangin ang ama. Alam niyang sapat na ang kahihiyang natamo nila mula kay Greyson kanina.

"Don't you dare stop me, Dave!" sigaw ni Eduardo habang itinutulak ang sariling anak.

Halos nakaumbok na ang mga ugat sa kanyang leeg sa sobrang galit habang patuloy itong naglalakad palapit kay Greyson.

Tahimik lamang siyang pinagmamasdan ng Alpha.

Hindi niya maiwasang isipin kung saan ba talaga nanggagaling ang napakalalim na galit ng lalaking ito. Kahit ilang beses siyang magpaliwanag.

Kahit ipakita pa niya ang lahat ng ebidensya. Kahit isinakripisyo pa niya ang sariling lahi ng mga Warlock at tinalikuran ang Good Coven upang maprotektahan ang pack. Hindi pa rin siya kailanman pinaniwalaan ng mga ito.

"How dare you stop the deployment of the troops?!" sigaw ni Eduardo. "Wala ka na ba talagang natitirang hiya sa katawan?!"

Napatingin ang ilan sa mga miyembro ng konseho sa isa't isa. Hindi na lingid sa lahat ang lantaran nitong paghamak sa Alpha.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon