Note: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
[Prologue]
*****
Pagkatapos ng interview lalapitan ko na sana si Alee nang hawakan ni Mommy ang braso ko.
"Napano 'to?"
Ngayon ko lang napansin na may pantal ako sa bandang braso ko.
"Mom don't worry, kagat lang ng lamok yan."- i said
"Mag-pahinga ka na."
Tumango ako at ngumiti tsaka sya hinalikan sa pisnge.
"Good night, Mom."- i said, then nagmadali akong pumanik.
Pagkapanik ko nakita ko agad si Alee na papasok na sa loob ng room nya kaya naman agad ako syang pinigilan.
"Wait, Alee!"- hinawakan ko agad yung pinto na dapat isasara nya na.
"Bakit po, Sir Rayden?"
Medyo napatigil ako, Sir Rayden? Haha!
"Why do you talk to me formally?"
"Sir Rayden, may kailangan po ba kayong ipag-utos?"
This time, napasalubong na ang dalawang kilay ko.
"Oo meron, inuutusan kitang huwag akong tawaging Sir."
Tumingin sya ng diretso sa mga mata ko.
"Kung wala po kayong ipag-uutos, matutulog na po ako dahil maaga ko pa po kayo babantayan bukas, Sir."- isasara nya na sana ulit yung pinto pero pinigilan ko ulit 'yon
"What's wrong, Alee? Anong sinabi sa'yo ni Mommy? Pinagalitan ka ba nya ha? Inutos nya ba sa'yo yan?!"
Hindi siya makapagsalita, nakatingin lang sya sa sahig.
I sighed.
"I get it, hindi nya pwedeng gawin 'to! Kung may nasabi syang masama sa'yo, hindi nya pwedeng gawin 'yon!"
"S-Sir hindi, wala siyang sinabi sa akin. W-Wala siyang inutos. Trabaho ko 'to, alam ko kung hanggang saan ang limitasyon ko. Kailangan kitang bantayan, 'yon ang trabaho ko bilang bodyguard nyo."
"Don't say that, Alee! I never considered that you're my bodyguard."- I'm getting mad
"Please Sir, magpahinga na po kayo."
Medyo napatigil ako dahil sa tono ng pananalita nya, bakas kay Alee ang pakikiusap na makisama ako sa mga inaasta nya ngayon sa akin. Pero ayokong gawin, ayokong maging ganito sya sa akin.
"Kakausapin ko siya."- i said seriously at saka ako tumalikod sa kanya.
"R-Rayden."
Napatigil agad ako nang hawakan nya ang kamay ko. Para akong nanghina bigla dahil sa boses nya.
Lumingon ako sa kanya.
I could see the tears forming in her eyes.
"Please, sundin mo nalang ako. Kailangan ko ang trabaho na 'to, Rayden."- her whispered
***
Meet Rayden De Villa the rich boy , handsome , model and famous on campus who will fall in love with a female fighter Aleera Forteza. Let's watch their exciting and actionable love.
BINABASA MO ANG
When I'm with You
RomanceMeet Rayden De Villa the rich boy , handsome , model and famous on campus who will fall in love with a female fighter Aleera Forteza. Let's watch their exciting and actionable love.