Chapter 49

53 4 2
                                    

[Chapter 49]

*****

(RAYDEN POV)

"M-Mama .."

"Anak .."

Automatic na tumulo ang mga luha ko ngayon. Naninigas ang buong katawan ko ngayon sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos sa lahat ng nadinig ko.

A-Anak ni Mommy si Alee???

P-Paanong nangyaring ..

K-Kapatid ko siya??? Kapatid ko ang babaeng pinaka-mamahal ko???

Hindi .. p-paanong ..

"Rayden?"

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon, sa Papa ni Alee. Agad akong umiwas ng tingin at nagmadaling umalis.

"Rayden, iho sandali!"

Pumunta sa harapan ko ang Papa ni Alee.

"B-Bakit ho?"

"Anong ginagawa mo dito sa hospital? A-Anong nadinig mo?"

Hindi ako makapagsalita , automatic na tumutulo ang mga luha ko. Nakakaramdam ako ng galit at pagkalito. Bakit kailangan mangyari ang sitwasyon na 'to sa akin? Sa amin?!

"R-Rayden , anak?"

Napatigil ako nang marinig ang boses ni Mommy mula sa likuran ko.

Napapasara ng mahigpit ang dalawang kamay ko.

"Anak .."

Marahan akong lumingon kay Mommy.

"M-Mom?"

"Rayden, anak magpapaliwanag ako."- lumapit sya sa akin

Lumayo ako.

"N-No, no need. Nakita at narinig ko na mismo."- i said

Napatingin ako kay Alee na tumatakbo palapit dito, sa hindi ko na makayanan makipag-usap sa kanila nagmadali na akong lumabas ng hospital. Narinig kong tinatawag ako ni Mommy pero hindi ko na siya pinansin.

Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko.

__________________________

(ALEE POV)

"Narinig nya, alam nya na' na anak mo ko."- i said

"Paano mo sasabihin sa kanya ang lahat, Beth?"- tanong ni Papa kay Mama

"Hindi ko pa alam, huwag nyo ng alalahanin. Ako na ang bahala kay Rayden."

Maya-maya nagpaalam na si Mama na umuwi, kakausapin nya raw si Rayden at ipapaliwanag ang lahat.

Minsan napapatulala nalang ako sa kakaisip na magkapatid kaming dalawa. Hindi ko alam kung kailangan ko bang tanggapin 'to? Ang hirap kasi eh, mas mahirap pa 'to kaysa sa nalaman kong buntis si Sherlyn.

Napahawak ako bigla sa ulo ko nang makaramdam na naman akong sakit.

"Alee anong nangyayari?"- biglang dumating si Papa

"M-Masakit po yung ulo ko."- napapahawak ako ng mahigpit sa buhok ko sa sobrang kirot

Pagkatapos nun pinag-usapan ng mga Doctor at ni Papa kung ano ang gagawin para sa akin. Napag-usapan nilang every week magkakaroon ako ng Radiation Therapy.

Uumpisahan ko na daw mamayang gabi.

Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin, gagaling pa ba ako? Bakit parang wala ng kasiguraduhan ang buhay ko?

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon