Chapter 7

116 5 1
                                    

[Chapter 7]



Kinabukasan ..

Paalis na sana ako nang mapansin kong sira na naman ang kotse ko.

Fvck? Siguradong may nantrip na naman butasin yung gulong nito. Tssh! Badtrip.

Bumalik ako sa loob ng bahay, nakasalubong ko naman si Alee na halatang nagmamadali.

"Bwiset akala ko umalis kana!"- she said, hinihingal siya

"Anyare sa'yo?"

"Eh nagmadali akong mag-ayos, akala ko aalis ka na."

Napangise ako.

"Dapat talaga aalis na ko."- sambit ko habang hinahanap ang susi ng motor ko.

"Mabuti nalang hindi ka pa umalis, hindi ako makakasama sa'yo kung magkataon."

Tumingin ako sa kanya.

"Hindi sa lahat ng oras kailangan kasama kita."

"Hindi pwede yang sinasabi mo, paano kung mapahamak ka?"

Napakunot na ang noo ko sa sinabi nya, ang ayoko sa lahat inire-remind sa akin na parang hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko.

"Hindi ako duwag para mapahamak dyan sa tabi-tabi."


(ALEERA POV)

"Hindi ako duwag para mapahamak dyan sa tabi-tabi."- pagkasabi nya nun lumabas na siya ulit at padabog na isinara ang pinto.

Tsk, Alee kasi eh! Bakit mo sinabi 'yon? Hays baka na-offend yun!




FLASHBACK


"Okay, pero magbihis ka muna! Mahiya ka naman sa bisita anak."- Ma'am Lilibeth

Pagkapanik ng anak nya natawa si Ma'am Lilibeth at nilapag sa mini table ang dala nyang pagkain.

"Pagpasensyahan mo na ang anak ko ha, akala nya kasi siguro lalaki ang bodyguard nya."

Tumango ako at ngumiti ng slight.

"Okay lang po, pero pwede po bang magtanong?"- i said

"Sige iha, ano 'yon?"

"Bakit need po nya ng bodyguard? Eh mukhang kaya naman po nya ang sarili nya."

Natawa ulit si Ma'am Lilibeth.

"Yan ang nagustuhan ko sa'yo Alee eh, ang direct to the point mo."

Napakamot naman ako sa noo ko, tsk.

"Ganito kasi yan, nung elementary days ni Rayden naka-experience sya ng pambu-bully galing sa mga ka-school mate's nya."

"Binubully po sya?"- i ask, ano namang kabully bully sa lalaking 'yon? Eh ang gwapo! Artistahin ang istura, siguradong gwapo sya nung bata.

Ngumiti at napahinga ng malalim si Ma'am Lilibeth.

"May ipapakita ako sa'yo, pero hawag mong sasabihin sa kanya ha."- tumango naman ako sa sinabi nya.

Maya-maya may kinuha sya sa cabinet nila na photo album. Pagka-buklat nya may kinuha syang isang picture at inabot sa akin.

Pagtingin ko .. napangiti ako sa picture ng batang lalaki na cute na mataba.

"Ang cute naman po nito, si Rayden po 'to?"- i ask

Tumango si Ma'am Lilibeth.

"I think 8 year's old sya that time at dahil sa mataba sya nung bata .. 'yan ang dahilan kung bakit binubully siya noon, nagkaroon ng sintomas na parang na-trauma si Rayden sa pangbu-bully sa kanya noon, minsan pa nga umuwi siya ng bahay noon at puro sugatan habang iyak ng iyak. Dahil doon hindi na siya pumasok ng school."

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon