[Chapter 45]
Teka, siya yung Papa ni Alee right?
Napatayo ako ng marahan, bakit siya nandito? N-Nandito ba si Alee??? May nangyari bang masama sa kanya???
"Oh sige, maghihintay ako."- pagsabi nya nun ibinaba nya na yung telephone at napabuntong hininga ito.
Napalunok ako.
Bahala na, gusto ko siyang tanungin.
Lumapit ako sa kanya, napansin naman niya agad ako.
"Ahm Sir?"
Nakatingin lang siya sa akin na may halong tanong.
"I'm sorry po, pero kayo po ang Papa ni Alee hindi po ba?"- tanong ko
Halatang medyo nagulat siya sa itinanong ko.
Tumango siya ng marahan.
"Ako nga, bakit mo naitanong iho?"
Ngumiti ako ng matipid.
"Kaibigan po ako ni Alee, ako po si Rayden."- sambit ko at nakikipag-kamay
Parang napatigil siya sandali at hindi nagtagal nakipag-shake hands na rin sa akin.
"Ikaw pala si Rayden."- nakangiti nyang sambit
Hindi ko maiwasan hindi mapangiti, kilala ako ng Papa nya. Ibig sabihin ikinikwento nya ako sa Papa nya?
"Yes po, ahm ano pong ginagawa nyo dito sa hospital?"- i ask
"Babe, I'm finish na."- bigla naman dumating si Sherlyn at agad na pumulupot ng yakap sa akin
Napatingin ang Papa ni Alee sa kanya. Napalunok ako, hindi ko alam kung anong mukha na ang ipapakita ko sa Papa ni Alee. Tsk!
"Mabuti't nakita at nakilala na rin kita. Sige, mauna na ako."- pagsabi nya nun umalis na siya
Tsk.
"And who is him?"- Sherlyn ask
Hindi ako sumagot, humiwalay naman ako kay Sherlyn.
"Kumusta ang check up?"- i ask her
"It's okay babe, ang sabi ni Doc mag-grow si baby sa tummy ko na malusog. Basta ba huwag akong i-stress ng boyfriend ko."
Napahinga ako ng malalim at tumingin sa corridor na dinaanan ng Papa ni Alee.
Hopefully mali ang iniisip ko.
Hopefully wala dito si Alee.
Tumingin ako kay Sherlyn.
"So uuwi na tayo?"- i ask her
"Hmm siguro later nalang?"
"Saan tayo pupunta?"
"Tara samahan mo muna ko sa garden."
"Garden?"
"Yeah, gusto ko lang magpahinga kahit sandali."
Hindi na ako sumagot.
___________________________
(ALEE POV)
Hapon na, nandito ako ngayon nakaupo sa bench dito sa garden. Mas mabuti pa dito eh, mas mabuti ang nararamdaman ko. Ang peaceful talaga sa pakiramdam kapag puro halaman ang mga nasa paligid mo.
Napahinga ako ng malalim at tinignan ang braso ko, feeling ko pumapayat ako na ewan. Heto na ba ang umpisa papunta sa malapit na akong mamatay? Tsh.
Tumayo ako at naisipan nang umalis sa garden, pagpunta ko sa room ko nakita ko si Papa na nasa labas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
When I'm with You
RomantikMeet Rayden De Villa the rich boy , handsome , model and famous on campus who will fall in love with a female fighter Aleera Forteza. Let's watch their exciting and actionable love.