Chapter 33

45 4 0
                                    

[Chapter 33]

Napatingin naman ako kay Warren na nagchi-cheer silently. Pagtingin ko kay Xennie nakatingin siya sa akin pero umiwas sya ng tingin na walang emosyon.

Tsh.

"Okay, Alee pumunta ka dito sa gitna."

Kinabahan naman ako sa biglang sabi ni Master Berting. Pumunta rin naman ako agad sa gitna gaya ng sabi nya.

"Xennie?"- tawag ni Master Berting sa kanya

Tumayo si Xennie at tumapat sa akin.

"Xennie bigyan mo ng isang Front Kick style si Alee."- sambit ni Mang Berting

Ano daw? Tumingin ako kay Xenie, nanlaki ang mga mata ko nang maghanda siyang bumiwelo at akmang sisipain ako sa mukha.

Agad akong umatras.

Napangise si Xennie at dumiretso na ng tayo.

"Very good Alee, nagawa mong maiwasan agad ang Front Kick ni Xennie. The Front Kick is drect frontal snap kick that target's the opponents chin or torso."- paliwanag ni Mang Berting

Kaya naman pala diretso ang pagkasipa ni Xennie at sa mismong chin ko ata tatama ang paa nya kapag nagkataong hindi ako nakaiwas. Dyusko!

___________________________

Pagkatapos ng dalawang oras na training sa taekwondo nandito kami ngayong dalawa ni Warren sa backstage. At grabe yung sakit ng katawan ko kanina, huhu! Hindi ko alam na hindi pala ganun kadali ang training ng taekwondo. Hays! Sa tagal ko na ring nagpahinga sa training ng martial arts, parang naninibago na ako.

"Okay lang yan, masasanay ka rin."- sabi ni Warren habang natatawa-tawa

"Alam ko, pero infernes talaga si Xennie ha. Ang galing nya."

Tumango siya at ngumiti.

"Kaya nga nung nakilala kita, siya agad ang naalala ko."

Napapangiti ako.

"Asussss bakit kasi ayaw mo pang umamin sa kanya? Malay mo gusto ka rin nya?"

"I think hindi, hindi nya ako gusto."

Hindi na ako nagsalita. Hays!

"Saan pa masakit?"

"Dito sa paa ko , feeling ko naputol ugat ko."- sambit ko sabay tawa

"Tignan ko."- he said then hinawakan nya ang paa ko at hinilot-hilot ng marahan

"Siguro ganito ginagawa mo kay Xennie noon after nya mag-training?"- i said

Narinig ko lang na tumawa siya ng mahina.

Maya-maya napaangat ako ng ulo at napatingin sa isang direksyon, yung grupo nila Xennie kasama ang boyfriend nito naglalakad pa-direksyon dito sa amin. Nakita ko agad si Xennie na nakatingin kay Warren habang si Warren walang alam na nandidito na si Xennie, nako po.

Ginalaw ko yung paa ko at agad naman na napaangat ng ulo si Warren.

"Bakit? Masakit ba dun?"- tanong nya pa sa akin

"Hindi."- i said then tumingin ako kila Xennie, napatingin din agad si Warren sa kanila.

Napaayos ako ng upo. Si Warren naman tumayo at parang wala lang sa kanya na dumating si Xennie.

"Uy Alee anong ginagawa nyo dito? Kumain na ba kayo?"- tanong nung isang babaeng friend ni Xennie

"Ah hindi pa eh."- sagot ko

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon