Chapter 41

64 5 2
                                    

[Chapter 41]

*****


ONE WEEK AGO

Isang linggo ang nakalipas nakauwi rin si Papa sa bahay at kahapon lang din ay bumalik na siya sa pagtitinda ng balot.

Ako heto , ganun pa rin. Palagi akong active sa taekwondo club dahil ayoko ng sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Gusto ko ng may pinagkaka-abalahan ako para sa kung ganun hindi ako nakakaramdam ng sakit ng ulo.

Tsh, feeling ko kasi unti-unti ng nawawala ang dating Alee. Yung matapang, malakas , hindi iniisip ang mga problema sa buhay at higit sa lahat yung hindi iyakin.

Kailangan kong ibalik ang dating ako. Sana makaya mo , Alee.

"Alee."- napatingin ako kay Xennie na nakanguso pa-direksyon sa pintuan kaya naman napatingin ako dun.

Pagtingin ko nandun sa pintuan si Jiro.

Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito?

"Oh Alee daw."- sambit ni Master Berting

Napailing nalang ako at tumayo na para lapitan si Jiro. Paglapit ko sa kanya hinila naman nya agad ako palabas.

"Ano na naman bang kailangan mo?"- angal ko sa kanya

"Ahm may pabor sana ako, pero don't worry may bayad din naman."- sabay kamot sa noo nya

"Pwede ba? Ayoko ng makipag-negotiate sa'yo."

"10 thousand ulit, magpapanggap ka lang bilang girlfriend ko."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Tigilan mo ko, Jiro."- sambit ko at akmang tatalikod na pero hinila nya ako at napalapit sa kanya, niyakap nya ako.

"Jiro ano ba?!"

"Sandali lang, nandito siya."

Napatigil ako sa sinabi nya. Ano daw?!

Pinipilit kong lumayo sa kanya pero mas niyakap nya ako ng mahigpit.

"Nandito nga siya, huwag kang malikot."

"Sino ba?!"

Agad na inilipat ako ni Jiro sa pwesto nya. Pagtingin ko may napansin akong isang cute na babae na nakatingin sa amin ngayon sa hindi kalayuan. Naka-pout sya kaya halatang ang lungkot-lungkot nya, hindi rin nagtagal at tumakbo siya paalis.

Agad ko namang tinulak na ng malaks si Jiro palayo sa akin.

"Ano bang ginagawa mo?! Pati ba naman sa bata pumapatol ka?"- sambit ko sa kanya

"Baliw, anong bata? Hindi na bata 'yon."

"Talaga lang ha?"

"Oo nga, actually she's my fiance."

Napatigil ako sa sinabi nya.

"Gulat ka no? And I don't like her, kaya kailangan ko ng tulong mo."

"Tigilan mo ko."

"Alee, pleaseeee?"

"No."

"Ayaw mo nun? Pwede rin natin pagselosin si Rayden."

Napatigil na naman ako sa sinabi nya.

Lumapit pa siya sa akin ng mabuti sabay ayos ng buhok ko sa gilid ng taenga.

"Actually he's here now, nasa likuran mo."

Nanlaki ang mga mata ko bigla.

"Halatang-halatang uusok na ang ilong nya habang masama ang tingin sa akin."- bulong na sambit ni Jiro habang natatawa-tawa

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon