Chapter 51

42 5 1
                                    

[Chapter 51]

*****

(JIRO POV)

Palabas ako ng school nang matanaw ko bigla si Alee na nakaupo sa bench sa ilalim ng malaking puno.

Nabigla ako dahil ang alam ko nag-sstay siya sa hospital, pero bakit siya nandidito? Hays!

Agad naman akong tumakbo papalapit sa kanya. Nang makalapit ako, ngayon ko lang napansin na umiiyak siya.

"Alee?"

Tumingin siya sa akin ng marahan at bakas na parang naguguluhan siya.

"S-Sino ka??"

Napatigil ako bigla. Heto na nga ba ang sinasabi ko eh. Lumapit ako sa kanya pero umatras siya at halatang natatakot ito.

"Alee it's me, I'm Jiro."

Napapakunot ang noo nya at pinipigilan ang iyak nito. Bakas na pinipilit nyang nyang may maalala siya.

"H-Hindi ko alam, wala akong maalala .. h-hindi kita kilala .. hindi ko alam kung sino ako o nasaan ako ..."- she's crying, napahawak siya ng mahigpit sa ulo nya at napayuko.

Umupo ako sa tapat nya at hinawakan ang magkabilang pisnge nya.

"Alee, let's go! Dadalhin kita ulit sa hospital."

Umiling siya habang umiiyak , tumayo sya at lumayo sa akin ulit.

"H-Hindi , bakit ako sasama sa'yo?! Hindi nga kita kilala!"- sigaw nya

Marahan akong napapalunok.

"A-Alee, calm down .. kaibigan mo ko, mabuti akong kaibigan. Ako 'to si Jiro, huwag kang mag-alala dahil hindi kita sasaktan."- sambit ko at marahan siyang nilalapitan

Mukhang kumalma naman siya at halatang napapaisip pa rin ito. Nang makalapit na ako sa kanya hinila ko siya at agad na niyakap.

"It's okay, Alee. I'm here .."

Napatigil naman ako nang maramdaman kong parang babagsak siya. Pagtingin ko sa kanya nawalan na siya ng malay.

"Alee? Alee?"

Hindi na siya nagigising, kinabahan ako kaya agad ko naman siyang binuhat para dalhin sa parking lot. Napahinto naman ako sa paglakad nang makita si Rayden sa harapan ko.

"What happened to her?!"- he's getting worried

"Nawalan siya ng malay."

"What?!"- lumapit siya sa akin pero agad kong inilayo sa kanya si Alee.

"Don't touch her."- i said

"What are you doing? She's my sister, Jiro!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Sister? K-Kapatid mo si Alee?!"

Hindi siya sumagot at balak ulit lumapit pero umiwas ulit ako. Hindi ko alam kung alam nya na ba ang tungkol sa sakit ni Alee.

"Maiwan na kita."- pagkasabi ko sa kanya iniwan ko na siya dun at nagmadali na akong umalis. Mabuti naman at magaan itong si Alee.

Pagdating sa parking lot agad kong isinakay si Alee sa loob.

Pagsakay ko, napatigil ako bigla ..

Napatigil ako at napatingin sa sumbrerong nalaglag mula sa ulo nya.

She's already bald ..

W-Why???

Malala na ba ang sakit nya??

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon