[Chapter 9]
Pero isa lang ang pinaka-kilala ko sa kanilang lima. At ang ayoko ay ang makita ang pagmumukha nya.
"Omg! Jiro?"- nakatulalang sambit ng mga babae sa gilid, halatang nagulat sila dahil dumayo ang lalaki nyan dito. Tss
Nakaramdam ako ng badtrip kaya tumalikod na ako, pero hinawakan nya ang balikat ko.
"Iiwas ka na naman? -anyan ka ba talaga ka-duwag?"- he ask
Inalis ko yung kamay nya ng padabog at humarap sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?"- seryoso kong tanong sa kanya
"Chill, nandito kami para mag-chill. So relax?"
Napangise ako.
"Gawin mo kung anong gusto mo."
He smirked.
"Kahit ano?"- mas lumapit siya sa akin.
Napapatiklop ang mga kamao ko sa sobrang gigil.
"Kahit na .. bugbugin kita, tabachoy?"- tanong nya, sabay tawa nya ng nakakaloko.
Lumakas at bumilis ang kabog ng dibdib ko. H-Hindi ko alam pero .. nararamdaman ko na naman 'to, nararamdaman ko dati ang naramdaman ko noong bata pa ako.
A-Akala ko hindi na .. akala ko wala na, pero heto aaminin ko sa sarili ko na takot pa rin ako.
Pero hindi. Dapat maging matapang na ako, dapat matuto na akong lumaban.
Ngumise ako sa kanya.
"Mataba ako, oo noon .. pero tignan mo naman ngayon."- i smirked
Tumingin ako sa mga babae.
"Girls, sinong mas gwapo sa amin ni Jiro?"- tanong ko sabay kindat sa kanila, halos mahimatay sila sa kilig.
"Syempre ikaw, Rayden!!"- sabay sabay nilang sambit.
Natawa ako at tumingin kay Jiro, halatang nanggigil siya.
"Kung mataba ako-- ay hindi? Noon 'yon. Ikaw na ngayon, panget."- nakangiseng sambit ko sa kanya
Hinawakan nya bigla ang kwelyo ko sabay sandal sa akin sa pader.
"Ganun? Edi sisirain ko 'yang pagmumukha mo."
Napapikit ako nang itinaas nya ang kaliwang kamao nya na akmang susuntukin ako. Ilang segundo ang hinintay ko pero hindi dumapo ang kamao na 'yon sa mukha ko.
Marahan akong dumilat.
Nanlaki ang mga mata ko nang nasa tabi ko si Alee at hawak-hawak ang kamao ni Jiro.
"Bitawan mo ko."- warning ni Jiro sa kanya.
"Bitawan mo muna siya at tsaka kita bibitawan."- Alee said
Napapalunok ako, iba talaga ang tapang ng babaeng 'to.
Tumingin sa akin si Jiro at agad akong binitawan, ganun din naman ang ginawa ni Alee sa kanya.
"Sino ka ba ha?! Masyado kang pakielamera!"- Jiro said
Napangise naman si Alee at sabay inayos ang buhok nya, napaatras na ako ng konti. I think alam ko na kung saan mararating 'to. K-Kailangan ko ba siyang pigilan?
"Ako lang naman ang bodyguard nya, may reklamo ka?"- seryosong sagot ni Alee, nagtawan naman grupong PIC.
"Bodyguard?"- tumingin sa akin si Jiro. "Kaya naman pala ang tapang dahil may tagapag-tanggol si taba! HAHAHA!"- sabi ni Jiro sabay tawanan nilang lahat
BINABASA MO ANG
When I'm with You
RomanceMeet Rayden De Villa the rich boy , handsome , model and famous on campus who will fall in love with a female fighter Aleera Forteza. Let's watch their exciting and actionable love.