Opus No. 17 - Pwede Tayo?

3 1 0
                                    


"...*sniff*"

Nagising ako sa buntot ng pusa na dumulas sa ilong ko. Nakaupo ako sa labas ng classroom ni Lorelei, narinig ko siya na patapos na ang klase niya. Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Ilang araw bago 'to, kinunsulta ko muna sila Anthony kung tama ba ang gagawin ko.

Ten days ago

"SERYOSO KA?!" Pasigaw na tanong ni Anthony at Camille.

"Oo. Susupresahin ko siya sa classroom niya. Siguro naman matsetsempuhan kong wala siyang klase diba?" Sagot ko sa kanila.

"Nagbago ka na nga Dante." Tugon ni Jeanne. "Wala yung pagiging konkreto sa mga plano mo kagaya noon." Nasa panahian kami at inaasikaso nila Lee at Jeanne ang susuutin nila sa kasal. "Hindi mo ba naisip na baka magalit si Lorelei sayo? Lalo na kapag nakita ka ng mga estudyante niya?"

"C'mon guys, give Dante a break! I do honestly think that it is a romantic plan. It's stupid, but it's romantic!" Tugon ni Lee. Nagsitawanan naman silang lahat.

"Nako Lee! Baka nakakalimutan mo yung proposal mo sa akin?" Kantsyaw ni Jeanne. "Nasa Manila Ocean Park pa tayo. Lumuhod ka na sa harap ko tapos tumili ka na parang babae nung may pating na lumitaw sa ulunan natin!"

"J-Jeanne naman...si Dante ang pinag-uusapan natin dito eh." Nahiya na tuloy si Lee.

"Wait lang guys. So Dante, ano exactly ang balak mong gawin?" Tanong ni Camille.

"Well...wala pa ako sa part na 'yon sa totoo lang."

"ANO?!" Laking gulat ni Camille at Jeanne.

"Eh kung bilhan mo ng flowers?" Suggest ni Anthony.

"Anthony! Guys, ano ang laging bukambibig ni Lorelei during valentines?" Nagbilang sila ng tatlo at sabay sabay nagsalita na parang orchestra.

"FLOWERS ARE OVERRATED." Sabay-sabay nilang sinagot sakin.

"Wait! Mahilig siya sa hot chocolate!" Dagdag ni Camille.

"Oo nga pala. Parang sumpa 'yon sa mga naging Student Head ng College natin—maa-adik ka sa isang beverage kapag naging student head ka." Dagdag din ni Anthony.

"Excuse me?" Lumabas ang isang babae na nakaputing uniform. "Mister Daesung and Miss Mendez? Dito po si Madame, tapos si sir sa kabilang room po." Habang nagsukat ng gown sina Jeanne, sinamahan namin si Lee na sukatin yung isusuot niya sa kabilang kwarto. Lumabas si Lee mula sa dressing room, nakasuot ng barong.

"Wow." Tugon ko sa kanya. "Akala ko magtu-tuxedo ka."

"No...I prefer it this way, Jeanne too. And...my mom would love to see me wed wearing her culture." Pangiting sagot ni Lee.

"Teka nga, ano nga pala nangyari sa reunion niyo ni Lorelei?" Tanong ni Anthony habang binabanatan ang cupcakes sa table.

"Ah...eh ayun. Nakasalubong namin yung matandang babae na nagligtas sayo sa Makiling. Nung NSTP?" Sagot ko sa kanya, at laking gulat naman nilang dalawa.

"Talaga?! Grabe hanggang ngayon buhay parin siya?" Kumento ni Anthony. Napahawak tuloy ako sa bunbunan ko; naalala ko yung hampas ni Lola Maria.

"Anyways...sabi ni Lorelei kailangan niya daw ng time. Kaya nga lumapit din muna ako sa inyo para humingi ng payo."

"Good move bro." Sagot ni Anthony.

"I think you should sincerely apologize to her once you see her." Dagdag ni Lee. "And remember, she's a professor still. Try not to make a scene. She hates that."

Never Broken [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon