Opus No. 23 - Kasal

3 1 0
                                    


"Thank you." Tugon ni Lorelei nang suotan ko siya ng jacket at puting scarf. "Grabeng lamig ng umaga dito sa Tagaytay. "Wait..." Bumunot siya sa bag niya at sinuotan ako ng itim na scarf. "Ginawa ko yan...nung first-year college pa." Pangiti niyang tugon sa akin.

"Talaga? Ang ganda naman..." Sagot ko sa kanya.

"Ginawa ko yan nung nalaman kong pupunta ka ng U.S. Iaabot ko sana sayo noon. Hindi ko tinapon, kasi umasa akong babalik ka...at nandito ka na ngayon." Tugon ni Lorelei habang inayos rin ang scarf sa akin.

"Kailangan ko nga palang magpaalam sa mga magulang mo, na aakyat ako ng ligaw sayo. Sunduin kita sa inyo bukas, para sabay tayong pumunta sa airport at makapag-paalam narin ako sa mga magulang mo." Sagot ko sa kanya.

"Ikaw bahala, Dante. Ikaw bahala...basta wag ka nang aalis sa akin, okay?" Tanong ni Lorelei. Tumango ako sa kanya.

"Salamat, Lorelei." Tumitig ako sa mata niya, at tumitig siya sa labi ko. Lumapit ako sa kanya, hawak ko ang bewang niya at mga palad niya sa dibdib ko. Pumikit kaming dalawa nang magkadikit ang ilong namin sa isa't isa, pero sa huling minuto, humarang ang daliri ni Lorelei sa labi ko.

"Teka lang, mister. Tsaka na kapag nakarinig ka na ng matamis na 'oo' mula sa akin." Pabirong sabi ni Lorelei, at mahinahon akong itinulak palayo.

"Hindi ka naman siguro bumabawi sakin no?" Tanong ko sa kanya.

"Hm...siguro?" Tumawa siya ulit. Hinawakan niya ako sa kamay at hinatak papalapit, at tsaka niyakap. "Masaya lang ako at nandito ka na ulit, Dante. Sobra." Niyakap ko din siya, at sa simoy ng hangin ng hatinggabi ng Tagaytay, sabay naming pinagmasdan ang mga bituin sa langit.

************************

Kinaumagahan, magkasama kami ni Anthony sa iisang kwarto sa isang resort, na ginagamit para sa preparation at pre-photoshoot ng wedding.

"Tama ba pre?" Tanong ni Anthony, habang nakaharap sa salamin at suot ang barong niya.

"Barong yan pre, hindi Americana. Tamang-tama." Sagot ko sa kanya.

"Kinakabahan ako Dante! Kahit hindi naman ako yung ikakasal!"

"Bakit naman? Nagpakita ka na ba sa mga magulang ni Camille?"

"Oo. Eh kilala na nila ako nung umuwi sila nung graduation namin. Alam nila na magkarelasyon kami, basta't may bahay nang nakahanda bago ang kasal. Sabi naman ni Camille, kapag natapos na niya yung master's degree niya. Eh siyempre, ako din pagkatapos ng board exam at nakapag master's narin."

"Magandang kundisyones naman 'yon." Sagot ko sa kanya. "Kaya mo yan, pre."

"Salamat." Ngumiti si Anthony at tinapik ako sa likod. "Lee! Tapos na kami dito! Eh ikaw natapos ka na ba diyan?" Pumunta kami sa kabilang parte ng kwarto at nakita si Lee na abalang nag-aayos ng buhok. "Kakasimula palang naman ng shoot ni Jeanne, pero mukhang matatagalan ka diyan sa buhok mo pre?"

"It has to be perfect..." sagot ni Lee. "Special pa naman 'tong araw, yes? Kagabi kasi nanood ako ng mga wedding fails, ewan ko ba!"

"Lee, so far wala pa namang nangyayaring masama. Tsaka, ikakasal ka kay Jeane. Wala nang mas magiging perfect pa para sa inyo." Sagot ko sa kanya.

"Thanks Dante." Sagot ni Lee. "Tama ka, everything will be alright." Umupo siya at tumawa.

"Hala. Anong nakakatawa?" Tanong ni Anthony.

"This might as well be the last time that the three of us are together like this, at least in a long while. Sa Las Piñas na kami ni Jeanne, at kasabay ng pagpaparal kay Monami, susubok narin kami na magkaroon ng sariling anak." Sagot ni Lee.

Never Broken [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon