Opus No. 21 - Tadhana

11 1 0
                                    


Dalawang araw na ang nakakalipas.

Nandito lang ako sa apartment ko, for two days straight. Binasa ko yung mga messages na iniwan nila Camille sa akin. Sabi ni Camille at Jeanne, bigyan ko raw muna ng panahon si Lorelei, at mas maigi na dumistansya muna ako. Sabi naman nila Anthony at Lee, sila daw muna lalapit kay Lorelei pagsamantala. Humingi sila ng pasensya, pero sinabi ko naman na naiintindihan ko ng maigi yung mga gagawin nila.

Tama si Lorelei. Wala akong ideya, as in walang wala.

Noong nasa New York ako, natatakot ako na bumalik dahil hindi ko siya kayang harapin ulit. Natatakot ako na makitang may mahal siyang iba, kahit na hindi naman naging kami. Natatakot ako na hindi lang siya, pero silang lahat, ay kinalimutan na ako at hindi na ako ituring na kaibigan. Binuksan ko ulit ang mga videos na binigay ni Camille sa akin, ilang buwan matapos ang graduation nila.

"Hey man, it's Lee. We really miss you. I just want to say that I completely understand your decision, though a goodbye letter would've sufficed. Anyways, I hope you're doing well...even though we haven't heard from you for five years now. Good luck out there, and when you get back, we promise that we will still be here."

"Hoy Dante. Grabe ka. Hindi ka man lang nagpaalam...hindi mo ba alam na...na...gosh Camille wait...okay, okay. Hindi mo ba alam na nasaktan kami sa ginawa mo? Kapag nakita kita ulit nako sinasabi ko sayo, tatamaan ka sakin! Pero gaya nga ng sabi ni Lee, naiintindihan namin ng buong-buo ang naging desisyon mo. Malaki ang utang na loob ko sa inyo. Kung hindi ko kayo nakilala...siguro...oh my gosh naiiyak na naman ako...siguro...siguro hindi ko nakita yung mga pagkakamali ko sa buhay ko...ah! Basta! Mag iingat ka palagi diyan! Anthony, ikaw naman!"

"Hay...alam mo bro...kahit na saglit kalang naming nakasama...napakalaking parte mo parin sa buhay namin. Para akong...para akong nawalan ng kapatid ulit nung umalis ka ng walang paalam. Naiinis ako, nagagalit ako. Pero naiintindihan namin, pre. Alam ko din naman na hindi mo siguro na-kayang magpaalam sa amin. Pero kahit na ganun pre, gusto namin na malaman mo na nandito parin kami para sayo. Kaibigan ka parin namin, at hindi ka namin kakalimutan. Camille, ikaw naman."

"Sorry, ayaw daw muna ni Lorelei...anyway...uhm...hala Jeanne, si Lorelei...sorry Dante saglit lang..."

"Anthony went with them to go after her. Actually, we thought she was ready for this. Turns out she isn't. She loves you Dante, she really does. It's been five years and her heart still belongs to you. It yearns for you. To be honest with you, we don't know if you'll watch this since we can't find you on Facebook anymore. It's like throwing a message-in-a-bottle on the internet. But you know what? We believe, at least I do, that you miss us as well. We believe that you'll come back...somehow. We still celebrate your birthday, you know? Yeah, even Lorelei, though she's quiet most of the time when we celebrate it. Dante, if you can watch this, if this message somehow got into your hands successfully...just know that we're waiting for you to come home. We all love you no matter what."

Bakit ba hindi nalang ako bumalik? Bakit ba ako naging duwag para isipin ang lahat ng 'yon? Bakit ba ako natakot na harapin siya ulit? Bakit?

Kinabukasan, napag-isipan ko na hindi ako pwedeng magkulong sa apartment. Kahit papaano, nailabas ni Lorelei ang naitago niyang damdamin. Napag-isipan ko nga na napakadami kong iniwan dito nang hindi man lang ako nagpaalam ng maayos. Bumalik ako sa Marikina, sa dati kong apartment.

"Aling Rosita?" Tinawag ko ang matanda, na nahuli ko pang bumili ng instant coffee. Ngumiti siya sa akin, pero mukhang nabasa niya ang problema ko sa mukha ko palang. Ibinaba niya ang kape at niyakap ako ng matagal.

"Ikaw ang nangako na ililibre mo ako ng kape sa una mong sahod. Pero, ako nalang muna." Tugon ng matanda. Bumili pa siya ng kape at umupo kami sa tapat ng apartment complex. "Oh eh...kamusta?"

Never Broken [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon