Opus No. 18 - Problema Na Naman!

12 1 0
                                    


"Hello..."

"DANTE!" Agad akong namulat sa sigaw ni Camille. Alas-siyete na ng umaga, na dumadampi pa lamang ang sinag ng araw sa kama ko. "May problema tayo! Makakapunta ka ba dito ulit kina Lee?? Emergency 'to as in!"

"Okay...okay. Papunta na ako."

"SIGE INGAT!" Sigaw ni Camille sabay baba ng cellphone. Agad akong nag ayos ng sarili at nagpunta sa Las Pinas. Bago pumasok sa compound nila Lee, sumaktong dating din si Lorelei. Halata sa aming dalawa na sariwa parin ang pagkikita namin kahapon.

"Tinawagan ka din?" Sabay naming tanong sa isa't isa. Nahiya pa kami, pero tumango nalang si Lorelei habang iniipit ang mga labi niya.

"A-ah...oo. Tara, pasok na tayo." Sabi ko kay Lorelei. Pagpasok namin sa loob, umiiyak na naman si Jeanne, habang pinapakalma ni Monami, at busy naman si Lee sa telepono.

"Oh? Saan kayo galing? Sa binyag?" Tanong ni Anthony. Agad kaming napatingin sa isa't isa, at parehas pala kaming nakaputi. Hinampas ni Camille si Anthony habang pinipigilan ang ngiti niya. Hindi naman kami magkatinginan ni Lorelei, pero gusto ko siyang tignan. Siya rin kaya?

"Bessy, mabuti at libre ka ngayong araw." Niyakap ni Camille si Lorelei. Niyakap din ni Lorelei si Jeanne.

"Siyempre, sabi ko naman every big moments diba?" sagot ni Lorelei, na nagpaiyak lalo kay Jeanne.

"So anong problema?" Tanong ko sa kanila.

"Si Alfredo at Oryang na naman." Sagot ni Anthony. "Tinawagan si Jeanne nung Don Bosco. Nakahanap sila ng lusot eh. Kung hindi papayag yung simbahan ng Don Bosco, kakausapin nila yung pari. At ang masama, susubukan nilang ilipat yung pari sa Palawan at dun nalang daw sila ikakasal."

"Outdoor beach wedding." Dagdag ni Camille na may halong inis sa tono.

"Ay taray! May pera." Sabi pa ni Lorelei.

"Talagang pursigido naman yang couple na 'yan. Anong balak mo ngayon, Lee?" Tanong ko sa groom-to-be.

"Siyempre, kailangang kausapin natin yung pari!" Sagot ni Lorelei. "Kailangang kausapin natin yung pari na tanggihan sila, at piliin yung kila Lee at Jeanne dahil nauna sila. Kailangang makausap siya TODAY."

"I've been trying to call Father Jason, but he's not answering." Tugon ni Lee.

"So anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Lorelei. "Sulsulan natin yung pari?" Biglang nawala ang luha ni Jeanne at tumayo sa kinauupuan niya. Yung lungkot sa mata niya eh napalitan ng galit. Kulang nalang usok ang lalabas sa tenga niya.

"OO. KUNG KINAKAILANGAN,BAKIT HINDE?!" May hinagis na susi si Jeanne kay Lee at dumiretso sa kwarto nila.

"P-Pero mahal! Nasa Baguio si Father Jason!" Hinabol siya ni Lee para pakalmahin, pero mukhang naghahanda na si Jeanne para sa long ride. Tumingin nalang ako kay Lorelei.

"Bakit?"

"Bakit kasi sinabi mong sulsulan yung pari?"

"HALA. Baliw ka ba?! Ikaw kaya nagsabi noon!" Sasampalin niya dapat ako sa braso.

"Eh iniisip mo narin eh." Sagot ko sa kanya.

"Ikaw naman nagsabi! Eh teka, sa Baguio? Wag mong sabihing magdadrive tayo papunta ro'on?" Tanong ni Lorelei kay Jeanne, na naihanda na ang mga dalahin.

"OO." Simpleng sagot ni Jeanne. Wala nang nagawa si Lee at tinulungan nalang ang nag-aalburotong fiance niya. Lumabas kaming lahat, at pinaalalahanan ni Jeanne ang kapatid niya na maiiwan sa bahay.

Never Broken [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon