"I...I'm sorry I'm late!" Dumating si Kai na bitbit ang mga gamit niya. Malamig pa ang simoy ng hangin at relaxed lang kaming naghihintay sa kanya habang nagkakape. Madaling araw palang pero nakahanda na kami para pumunta ng San Francisco. "Professor Dante! What happened to you?!" Ibinagsak niya ang bag niya. Nilalagyan ni Allison ang kanang braso ko hanggang daliri ng benda at gasa, tsaka ito ipinaloob sa isang arm sling para sa mga may bali ang kamay.
"This is the plan, Kai." Pabirong sagot ni Dennis.
"Don't worry, it's not broken or anything. We're going to arrive in San Francisco with this broken arm. I'll convince the organizers that you will play in my stead, and Mr. Grimaldi will contact them to work things out." Sagot ko sa binata.
"And I will be coming along too!" Sigaw ni Dennis. Prepared na prepared din siya sa biyahe at mukhang magbabakasyon siya.
"Now Dennis...you're only coming to help these two out. Is that clear?" Pagklaro ni Mr. Grimaldi.
"Yes sir! You have my word on that!"
"Here's your tickets..." Inabot sa amin ni Allison ang tickets naming tatlo. "Fly safe, you three. And goodluck to you, Kai." Pangiting tugon ni Allison.
"Thank you." Pangiting sagot ko sa kanya.
"Thank you...miss Allison..." Namumulang sumagot si Kai. Sumakay kami ng taxi papunta sa airport. Makalipas ng 30 minutes, nasa ere na kami sakay ng eroplano patungong San Francisco. Nasa gitna namin ni Dennis si Kai; tulog na tulog habang si Kai naman ay nakapikit at inaaral ang piyesang tutugtugin niya. Habang nakatingin ako sa bintana, nilaro ko ulit ang singsing ko sa palad ko. Hindi ko mapigilang isipin si Lorelei, at pati narin sila Anthony. May halong tuwa at takot ang nananalagi sa puso ko.
"Professor?"
"Yes Kai?" Nakatingin si Kai sa kamay ko at sa singsing.
"I...I'm sorry about this..."
"What are you saying?" Tanong ko sa kanya.
"I mean...I dragged you into this mess even though you had things to do back in the Philippines...I'm sorry if things got messed up between you and your girlfriend because of me..." Napangiti ako na tinawag niya si Lorelei na girlfriend ko. Pinatong ko ang kamay ko sa ulo niya, kagaya ng ginagawa ng tatay ko noon kapag nalulungkot ako.
"Lorelei would've done the same thing." Pangiting sagot ko sa binata. "And don't worry. I'll be in the Philippines in time."
Makalipas ang ilang oras, nakarating kami sa San Francisco. Iba ang simoy ng West Coast sa East Coast, at medyo mainit ngayon dito. Excited sana si Dennis maglibot kaso kinailangan na naming lumipat sa hotel na hinanda ng organizers para sa contestants.
"We're contestants for the Brin D'Herbe Competition." Inabot ko yung pamphlet na may pangalan ko. Ngumiti ako nang tignan ako ng chauffeur at napansin ang 'minalas' kong kamay. Agad niyang tinawag ang dalawang organizers. "Hi! I'm Dante Rio—"
"Yes yes, the Champion almost a decade ago. We know who you are. But goodness me! What in the world happened to you?" Tanong ng organizer. Halatang nagpapanic na siya at todong pinagpapawisan.
"I uh...I was cleaning my classroom when the piano cover slammed on my fingers, and then uhm...the uh...I slipped on the wet rug I was using and fell on my elbow really bad." Buong lakas kong pinakita na nasa masamang kondisyon ang kamay ko. Nagpapanic na ang dalawang organizers dahil rito.
"But we do have another solution!" Tugon ni Dennis, at iniharap si Kai sa kanila.
"Yeah! We had Kai prepare for me just in case! He's going to be playing on my stead!" Pangiti kong sagot sa mga organizers.
BINABASA MO ANG
Never Broken [COMPLETE]
Romance'Kaya mo bang harapin ang nakaraan para ayusin ang mga naiwan mong sugat?' Limang taon ang nakalipas mula nung umalis si Dante Rio sa Pilipinas para mag-aral sa Julliard, isang prestihiyosong unibersidad ng musika sa New York, siya ang pinakabata at...