Opus No. 13 - Pinagtibay ng Panahon

5 1 0
                                    

Matapos ang impromptu trip sa Tagaytay, nakipagbuno ako sa tanong ni Jeanne. Aaminin ko, may mga panahon na inisip ko na baka may iba na si Lorelei. Inisip ko 'yon araw-araw...kahit na nakaka-isang taon palang ako sa America. Ano nga bang gagawin ko kapag may iba na si Lorelei? Not as though naging kami...pero ano nga bang gagawin ko?

Sa oras na inisip ko 'yon, pumasok sa isipan ko ang mga magulang ko. Pumasok sa alaala ko yung mga panahon na masaya kami sa bahay, at nakikita ko silang masaya bilang mag-asawa...kahit na medyo mahirap ang buhay noon. Hindi ko alam, pero nakatulog ako sa kaka-alala...as if pinatulog ako ng parents ko.

Kinabukasan, nagtungo ako sa Marikina via bus. Ayoko pang mag LRT...sa ngayon. Sa SM Masinag ako sumakay ng Jeep papuntang Sports Complex, at kaunting lakad sa isang pamilyar na street...at sa asul na paupahan na may tindahan sa ibaba.

"Dante? Ikaw ba 'yan?" Hindi pa ako nakakakatok nang may matandang babae na tumawag sa akin mula sa tindahan—isang matandang babae na hinding-hindi ko makakalimutan. Mas dumami na ang puting buhok niya, at mas nakuba na siya sa loob ng sampung taon. Bumagal na ang lakad niya pero mabilis ang kilos ng mga paa niya patungo sa akin.

"Aling Rosita." Niyakap ako ni Aling Rosita—ang may-ari ng paupahan na tinirhan ko nung college. "Mukhang malakas parin ho kayo!"

"Aba'y siyempre iho." Tugon ng matanda. "Nako...napakatagal mo nang nawala..." Hinawakan niya ang pisngi ko at halos maiyak siya, the same way na ginawa niya kahit nung bata pa ako. "Alam kong proud na proud si Edgar at Margaux sayo. Ah! May isang babae na dumalaw nung wala ka...hindi ko na alam kung kalian pero ayun ay nung nag abroad ka. May kulay ang buhok at maikli..."

"Ito po ba yung babae?" Pinakita ko sa kanya ang picture ni Lorelei sa Tagaytay, na sinend ni Jeanne sa akin kahapon.

"Oo! Siya nga! Siya nga 'yon!" Maligayang tugon ni Aling Rosita, pero nagbago ang itsura ng matanda nang makita naman niya ang ekspresyon ng mukha ko. "Nako...mukhang alam ko na kung bakit ka nandirito. Halika." Sumenyas niya na sumunod ako sa kanya.

Si Aling Rosita. Matagal na siyang landlady, at sa paupahan niya nagkakilala ang mga magulang ko. Nung ikinasal sila at nung bagong panganak ako, doon daw sila nanirahan sa inupahan ko bago makahanap ng ibang malilipatan. Dahil doon, kilalang-kilala niya ang pamilya namin.

Dinala ako ni Aling Rosita sa Marikina Sports Complex. Dito kami tumatambay ni Mickey nung elementary palang kami, at dito ako naglalaro ng badminton nung college, kapag may time.

"Hindi ko maipaliwanag...pero nandito ka dahil sa babaeng 'yon, tama ba?" Tanong ni Aling Rosita. "Hindi mo na kailangang sumagot anak. Parehas kayo ng tatay mo ng mga mata." Umupo si Aling Rosita sa bleachers. Hindi naman siya nahirapan pero huminga siya ng napakalalim na para bang napakalayo ng nilakad namin. "Si Edgar at Margaux...dito rin sila tumatambay nung college silang dalawa."

"Talaga po? Hindi ko alam 'yon..." Sagot ko sa kanya.

"Pasensya na iho. Napag-usapan namin ni Gabriel na iwasang pag-usapan ang mga magulang mo pagkatapos...pagkatapos nilang..." Hindi na makapagsalita si Aling Rosita kaya't hinawakan ko siya sa balikat.

"Okay lang po Aling Rosita." Pangiting sagot ko sa kanya. Humawak siya sa pinsgi ko, at tinapik ito kagaya ng ginagawa niya nung bata pa ako.

"Malaki ka na nga talaga...Dante." Umayos na siya ng upo at huminga ulit ng malalim. "Una kong nakilala ang nanay mo nung disi-sais anyos palang siya. Naalala ko pang nautusan ko ang tatay mo na tulungan ang nanay mo na i-akyat ang mga gamit niya...kahit na tenant din ang tatay mo. Masikreto ang nanay mo, at hindi namin alam kung saan siya galing. Naging malapit sa isa't isa ang mga magulang mo, lalo na dahil sa badminton." Tumuro si Aling Rosita sa badminton court.

Never Broken [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon